Kayleen

167K 4.6K 696
                                    

Kayleen

“Mary Kayleen Santos,” sagot ko sa front desk clerk.

Sandali syang tumawag sa room ni kuya Kean para i-check kung tatanggapin ako. Nang ibaba nya ang telepono kinausap nya ang isa pang clerk para magpaalam.

“This way po Ma’am,” magalang na sabi sakin ng babae. Naglakad kami palapit sa isang elevator na kailangan pang gamitan ng ID. Nang i-swipe nya ito roon ay saka lang ito bumukas.  

Pumasok ako sa loob pero naiwan sya sa labas.

“This elevator will take you to the thirty-first floor Ma’am.”

Sumarado ang pintuan ng elevator at nag-simula na itong tumaas. Ah. Matagal na rin na hindi ko nakikita si kuya Kean. Huli ko syang nakita noong debut ko. Naging busy ako masyado. Pero mabuti naman pinapunta nya ako ngayon. Kumusta na kaya sya? At ano kaya yung itatanong nya sa’kin?

Lumabas na ako ng elevator at nakita si kuya Dylan na naghihintay sa tapat.

“Kuya! San si Kuya Kean?”

“Masaya rin ako na makita ka Kayleen,” walang buhay na bati nya sa akin. “Nasa loob, bakit ka natagalan?”

Naramdaman kong automatic na ngumit ang labi ko. Nagkita kami ni Ashton kanina!

Umiwas sya ng tingin. “Hwag mo na palang sagutin.”

“Bakit kuya? Gusto kong sagutin.”

“Save it. I don’t wanna hear it.”

“Pero Kuyaaa~”

Tinakpan nya ang dalawa nyang tenga. “Ayaw! Ayaw!”

Napanguso ako sa inaasal ni Kuya. Ayaw nyang marinig ang pangalan ni Ashton. Simula nang ipakilala ko si Ashton sa pamilya ko bilang boyfriend ko iba na ang inasta ni Kuya.

Pumasok na kami sa loob ng suite ni kuya Kean.

“Kuya Kean!” bati ko nang makita ko sya.

Ngumiti si Kuya Kean nang makita ako. Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa couch at lumapit sa akin. Pinatong nya ang palad nya sa ulo ko.

“Tumangkad ka,” puna nya.

Napatalon ako sa tuwa. “Kyaaa! Napansin mo Kuya?”

“Pfft. Hwag kang papaloko Kean, naka-heels na yan. Dalaga na yan, may boyfriend na,” singit ni kuya Dylan.

“Kuya!” Kainis si kuya! Tumangkad ako! Half inch!

“Bleh. Di ka na tatangkad.” Nagdiretso na sya ng lakad at umupo sa sofa.

Umupo ako sa katapat na sofa at tinitigan si Kuya Dylan. Umiwas naman sya ng tingin. Napanguso ako.

“Ano’ng gusto mong inumin Kayleen? Nagugutom ka ba?” tanong sa akin ni kuya Kean.

“Kahit ano kuya Kean,” nakangiti kong sagot.

“Oi! Oi, bakit ako hindi mo tinanong?” reklamo ni Kuya Dylan.

Natawa si kuya Kean. Lumapit sya sa telepono at tumawag. Narinig ko syang umorder ng mga pagkain at inumin. Nilibot ko naman ng tingin ang kwarto. Ang lawak at ang ganda ng mga gamit. Hindi pa ako nakakagamit ng ganitong kwarto sa hotel. Hindi ko pa kayang magbayad ng ganito. Huhu. Isasama ko to sa goal ko kapag yumaman na ako! Isasama ko rin si Ashton! Eh? H-Hindi pala si Ashton, si Ashleen dapat! Ano naman ang gagawin namin ni Ash...ton sa ganitong klase ng lugar?

“Bakit namumula ang mukha mo Kayleen?” puna ni kuya Dylan.

Napatakip ako sa mukha ko. “H-Hindi ah! Kuya!”

Naningkit ang mga mata nya habang nakatingin sa’kin. “May naisip ka no?”

“Mali ka kuya! Wala akong naisip! Wala! Wala!”

“Fifteen minutes pa bago makarating ang mga pagkain.” Inabutan ako ni kuya Kean ng coke in can.

“Thanks kuya!”

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bag ko. Kaagad ko itong binuksan. Nakita ko ang pangalan ni Ashton. Hwaaa! Nag-text sya! Mabilis kong binasa ang message nya.

“Kayleen.”

May heart sa dulo ang text nya sakin! Ang sweet nya talaga!

“Kayleen.”

Ha? Magkikita kami bukas? Kyaa! May date ulit kami. Hwaa!

“Kayleen!”

“Kuya mamaya ka na,” sagot ko. Hindi naman sa hindi ko sya naririnig pero kailangan kong mag-concentrate sa pag-reply sa message ng boyfriend ko. Kyaaaa! May boyfriend na ako! May boyfriend na ako! Third day na namin ngayon ni Ashton. Yiiiie! Kinikilig ako!

“Simula nang naligawan ang kapatid ko, hindi na nya ako pinapansin,” rinig kong reklamo ni Kuya Dylan kay Kuya Kean. “Ipinagpalit na nya ako.”

“Hwag kang umiyak Dylan.”

“Bro ikaw nalang ang natitira sakin. Hwag mo kong iiwan. Huhu.”

Mula sa peripheral vision ko, nakita ko silang nagkadikit ng upo.

“Magsasama tayo habangbuhay.”

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Umupo ako sa gitna nilang dalawa.

“Kaya kayo napagkakamalan eh!” nakasimangot na reklamo ko. Kasi naman yung mga jokes nila, sa kanila lang nakakatawa! Isipin naman nila iisipin ng mga tao na makakarinig.

May ilang beses nang nangyari ‘to in public. Kahit na naka-disguise si kuya Kean non, may aura parin sya ng pagiging celebrity. Hindi kayang alisin ‘yon sa kanya. Kaya madalas syang namumukhaan. Haay.

Humagalpak lang ng tawa si Kuya Dylan sa sinabi ko. Tumatawa rin si Kuya Kean. Talaga naman ang dalawang ‘to. Hmp!

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon