Entry #12

156K 4.6K 323
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Bakit nga ba ako nabuhay kung lahat naman ng tao iniiwan ako? Ang tunay kong mga magulang, iniwan ako sa bahay ampunan. Ang mga taong kumupkop sa akin, matapos nilang magkaroon ng sariling anak...

Sanay na ako na mag-isa. Kalahating taon na rin ang lumipas simula nang mag-hiwalay tayo. Alam mo bang natatakot ako ngayon dahil nasasanay na akong mag-isa? Umalis na ako sa bahay namin at nakatira sa isang apartment. Unti-unti nararamdaman ko na nagsasarado na ang puso ko. Hindi na rin ako nangangarap na may darating pang isang tao na magmamahal sa akin. Alam mo ba kung bakit? Sa tingin ko kasi, napagod na ang puso ko. Minahal ko kayong lahat pero iniwan nyo parin ako. Lahat ng tao, iiwan lang din ako sa huli.

Pero sa tingin ko mas maganda na rin ito. Kung wala akong mamahalin, hindi ako masasaktan.

Your Ex,

Nin

 

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon