Saan kaya siya pupunta? Chapter 17

7.6K 80 13
                                    

Chapter 17

 

Andrea’s POV

 

Ilang araw na ko hindi nakakapagbukas ng wattpad. Busy kasi ako ngayon. Kaya eto pati yung mga text ni Clarice hindi ko narereplyan. Hindi naman ako ganun kabusy, kaso minsan kapag nagtetext siya, nagkakataon na wala akong load. Kapag minsan naman, kakaisip ko ng irereply sa kanya, nakakalimutan ko na siyang itext.

(AN: Wag ka nga Andrea, talaga namang hindi ka nagrereply kay Clarice, kasi tinatamad ka, at lagi kang wala sa mood! Haha)

At eto nga napansin kong 2 days na pala akong hindi nagpaparamdam sa kanya, mula nung last time na nagkausap kami. Sinabi niya kasi na gagawa daw siya ng story. Gusto ko naman tumulong kaya pinush ko siya na ituloy na niya yung balak niya gawin.

And speaking of…

Message: 1

From: Clarice

Kanta ka nga…

 

Tignan mo to, napakaweird talaga. Ganyan siya madalas, magtetext na lang sa kin ng mga bagay na out of the blue.

Naalala ko tuloy yung unang time na inaapproach niya ko, ang taray lang! Kaso wala pa din tatalo sa katarayan ko. :) Well hindi naman ako talagang mataray, iniisip lang siguro ng ibang tao yun, kahit hindi naman talaga.

To: Clarice

Huh?

 

Yan naman talaga ang reaction ko pagkabasa ko ng text niya. Kasi naman, bakit bigla bigla na lang niya kong pakakantahin? Siya lang ang taong kilala kong ganito ka-weird.

From: Clarice

Anong huh? Sabi ko kanta ka.

 

-Bakit naman ako kakanta?

 

-Eh gusto ko lang kumanta ka

 

So inuutusan niya ako ngayon???

-Ayoko nga!

 

Clarice POV

 

Kelangan pala nagtetext ako ng mga out of the blue na bagay para agad agad nagrereply siya. Sabagay naisip ko din, sino nga ba naman ang gaganahan sa mga text ko sa kanya na, “Goodmorning” “Kamusta na?” ngayon ko lang naisip na wala akong kwentang magtext. Kaya eto pinapakanta ko siya.

Hindi naman talaga totally walang dahilan yung pagpapakanta ko sa kanya. Gusto kong marinig yung boses niya habang kumakanta siya dahil, nalulungkot ako. Somehow gumagaan yung pakiramdam ko kapag kumakanta siya. Yun lang yung explanation ko dun, wala ng iba pa.

Kaso mas nadagdagan yung kalungkutan ko dahil ayaw niyang kumanta. -_____-

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now