Chapter 26*

1.3K 17 2
                                    

Chapter 26 ~

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdaman sa akin si Renzo. Nakakainis! Monday na Monday, badvibes kaagad! Wag na wag na talaga siya magpapakita sa akin. Hmp!

Alam mo yung two days na hindi ko siya ma-contact? Ni hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Nakakainis talaga! Ang sabi niya noong huli siyang tumawag ay may business gathering lang daw ang Daddy niya at ipapakilala raw siya sa ibang business partners nito. Pero tatawag din daw siya pagkatapos. Anong petsa na ngayon? Wag niyong sabihing hindi pa rin iyon natatapos?

"Hindi ka ba kakain apo?"  tanong sa akin ni Lola nang mapansing papalabas na ako ng bahay.

"Male-late na po ako!"  ang sabi ko kahit maaga pa naman talaga.

Wala nang nagawa si Lola. Sumakay na rin ako ng jeep para makarating sa school.

May pailan-ilan akong nakasabay sa pagpasok at nakakasalubong sa daan. Pero parang ang tahimik ng school. Nakakapanibago. Dumaan muna ako sa may locker para iwanan ang ilan kong libro. Balik school na din ang aking mga libro na halos dalawang linggo ring namahinga sa bahay.

Pagkabukas ko ng locker ay nalaglag ang isang napakalaking picture. Parang family-sized picture na puro mukha ko lang ang nakalagay. Karamihan ay mga candid shots na hindi ko alam kung saan kinuhanan. Woaah! Sino ang gumawa nito? Could it be Renzo? Is he planning to surprise me? 

Then I saw this familiar post-in notes:  Isn't it unfair? I loved you for four years and you choose to love that guy you just have known. It's very unfair. 

Renzo? No, it couldn't be him. Bakit naman niya iyon sasabihin, alam naman niya na siya ang mahal ko. 

Grabe, kinikilabutan ako! Who's this mysterious guy na laging nagdidikit ng mga notes sa locker ko at naglalagay ng mga mysterious items? Woaah! It really gives me creeps.

Tumingin ako sa paligid pero wala namang ibang tao rito. Sa sobrang kilabot na nararamdaman ko ay napunit ko yung picture at notes at saka itinapon iyon sa pinakamalapit na basurahan, pagkatapos ay kumaripas na ako ng takbo. 

Patuloy lang ako sa pagtakbo sa may hallway hanggang sa bigla na lang akong natawa sa ginawa ko. Para akong tangang tumatakbo mag-isa dito, wala namang humahabol sa akin. HAHAHAHA. Okay, tanga lang talaga.

Bigla naman akong napatalon sa gitla nang biglang may humawak sa balikat ko -- si Dinno. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin naman ako. 

"Kumusta ang bakasyon?"  tanong niya, habang sabay kaming naglalakad pabalik sa classroom. 

"Uhmm, okay naman. Medyo boring nga lang!" 

"Tama ka, boring talaga sa bahay lalo na't hindi mo nakikita ang crush mo." makahulugang sabi niya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon