Chapter 2*

2.7K 42 7
                                    

 Chapter 2 ~

Mabilis na tumakbo kami ni Kaysha papunta nang canteen. As expected, marami na kaagad tao sa loob. -_-

"Tingnan mo na, ang dami nang tao." pagmamaktol ko kay Kaysha. Kung hindi ba naman kami nagtagal sa CR, nauna na sana kami dito. 

Dalawa lang kasi ang canteen dito sa school. Itong main canteen pagkatapos ang isa ay nasa college department. Elementary at Highschool na nga ang gumagamit nitong sa main, pati college ay nakikihati pa. Mayroon naman sana silang cafeteria. -___- Kaya pag ganitong lunch time, asahan mong napakadaming tao.

"Sorry na. Sorry na." sabay irap naman ng mata niya.

"Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo nahuli, ikaw ngayon ang pumila."

"Whaaaaaat?"  katulad ng inaasahan ko ay magugulat siya. Pinandilatan ko lang siya ng mata at mabuti naman ay nakuha agad siya sa isang tingin. Napangiti na lang ako.

"Fine!"  pagsuko niya. "Anong order mo?"  tanong niya.

"Kung anong sayo, yun na din ang akin."

-- Kung anong sayo, yun na din ang akin. Lagi kaming ganyan ni bestfriend. Pag kakain. Pag may bibilhin. Madalas nga ay pinagtatalunan pa namin ito. Hahaha! Minsan kasi nakakatamad na mag-isip kaya nakikigaya na lang. 

Hinayaan ko na si Kaysha na pumila habang ako naman ay naghahanap ng mauupuan. Parang gusto ko nang sumuko dahil nalibot ko na ang buong canteen, wala pa rin akong nakikitang bakante. 

Ang iba naman kasi kahit tapos nang kumain hindi pa rin umaalis sa upuan! Ginagawang tambayan ang canteen. Nakakainis!

*scan scan*

Sa wakas, may nakita din akong bakanteng upuan. Buti na lang at umalis na si ate na kumakain dito kanina. Haha. Akala ko, mauunahan ako nung isang babae, niintay rin kasi nyang umalis si ate pero naunahan ko siya. Hahaha. Grabe. Daig ko pa ang nakipag-trip to Jerusalem, ang bilis kong umupo!

Sa aking paghihintay, bigla akong napalingon sa gawing kanan ko at di ko inaasahang nandoon na naman siya at nakatingin na naman siya sa akin. Feeling ko lalapitan na naman ako nito, since hindi pa dumadating si Kaysha! 

"Tigilan mo na ako, pwede ba?" bungad ko sa kanya nang lumapit siya. Hindi pa nga siya nakakaimik, inunahan ko na kaagad siya.

"I'm asking you for the last time, Jelynne." at hinawakan niya ang kamay ko. Parang nakuryente ako sa ginawa niyang iyon. Weird. Ito kasi ang unang beses na hinawakan ang kamay ko ng isang lalake, nabigla talaga ako.

"Hindi ko ipagkakanulo ang kaibigan mo sa lalakeng tulad mo!" sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa narinig.

"Bakit, kilala mo na ba ako?"

Bigla akong napaiwas ng tingin. I don't know him, of course! Pero lahat ng lalake, manloloko! Kung kaya ko nga lang pigilan ang kaibigan ko na ientertain ang mga manliligaw niya, nagawa ko na. Pero hindi ko naman kayang ipagkait kay Kaysha kung anong ikasasaya niya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon