Chapter 16*

1.6K 36 18
                                    

Chapter 16 - ( i hate him for making me fall in love with him )

 

Halos magwala ako sa natukulasan ako. Grabe, totoo kaya yung nasa GM ng kaklase ko? Hindi! Hindi! Imposible! Ako? Maiinlove kay Renzo? HAHAHAHAHA. Joke ba 'yon?

Binuksan ko uli yung message at binasa uli 'yon.But I still have the same thoughts. Si Renzo pa rin ang naiisip ko kahit anong pilit kong wag syang isipin! Argghhh. No. This is not happening! 

"Hindi ako inlove!"  sigaw ko. Gusto ko lang ilabas yung totoo kong nararamdaman ko. Hindi ako in love! Biglang may nagbukas ng pinto agad kong kinuha ang unan at itinakip 'yon sa aking mukha at saka humiga.

"Narinig kita apo."  sa boses pa lang ni Lola ay alam kong nakangiti siya ngayon nang nakakaloko.

 Padabog na bumangon ako. "Hindi naman ho kasi ako in love kay Renzo!"

"Oh? May sinabi ba akong inlove ka kay Renzo?"

Nasampal ko naman ang bibig ko nang mabanggit ang pangalan niya! Kainis!

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib."  makahulugang sabi sa akin ni Lola at pagkaraan ay ngumiti siya. "Wala namang masama kung aaminin mong gusto mo siya eh."

E hindi ko nga kasi siya gusto!

"Kung naguguluhan ka, ipikit mo lang ang mga mata mo at pakinggan ang tinitibok ng puso mo."

Pumikit ako kagaya ng sinabi ni Lola. Hinawakan ko yung puso ko at sinarado muna pansamantala ang magulo kong isipan. 

Mahal mo sya Jelynne. Mahal mo si Renzo. 

Napadilat ako bigla at kinabahan sa narinig ko. Puso ko ba yung nagsalita? Puso ko ba yung narinig ko. Tumingin ako kay Lola na parang nagtatanong. 

"Wag mong pipigilan ang puso mong umibig.  Mas masama nga kung isasarado mo ang puso mo sa taong itinitibok nito. Hindi mo binibigyan ng kalayaan ang puso mo na magmahal."

Ninanamnam ko lang yung mga sinasabi si Lola. Wala naman akong masabi sa kanya. Nalilito pa rin ako e. All this time ba gusto ko na talaga si Renzo? Pinagsaraduhan ko na nga ba sya kaya hindi sya makapasok sa puso ko? T-teka, mukha ngang nagtrespassing na sya e! Sinarado ko na nga, nakapasok pa rin. >//<

"Kung natatakot ka dahil sinabi ng mama mo na wag ka munang magnobyo, wag kang matakot. Sino bang may sabing kailangan mong magnobyo para maipakitang nagmamahal ka?"

Ewan ko ba, naguguluhan na ako. Ayaw kong mainlove, alam kong masasaktan lang ako!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon