Chapter 32*

1.1K 19 3
                                    

Chapter 32 ~

"Kung yayayain kita magtanan, sasama ka sa akin?"  agad akong napalingon sa kanya, iniintay ko siyang tumawa o sabihing joke lang pero mukhang seryoso siya. SERYOSO TALAGA SIYA?

"Nagjo-joke ka ba?"  tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng mapait at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Napapansin ko, ang weird niya lately. Nagsimula ito noong after Christmas party. Palagi siyang tulala at malalim ang iniisip.

"If you can't then let's get married."  pagkaraan ay sabi niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa narinig. "Mahal mo naman ako di ba?" dugtong pa niya.

"Y-yes, I do. Pero mga bata pa tayo Renzo."

"We'll soon reach our legal age, hindi na tayo mga bata."

Napahinga ako nang malalim. Ano bang nasa isip niya? Bakit bigla-bigla ay nakakaisip siya nang mga ganitong klaseng bagay? 

"Pero -- "  hindi na niya niya ako pinatapos.

"Naiintindihan ko. Sorry."  kita ko sa mga mata niya na nalungkot siya. "Gusto ko lang masiguro na hindi tayo magkakahiwalay."

"Bakit mo naman naisip na magkakahiwalay tayo?" hindi niya ako sinagot. "Hindi tayo magkakahiwalay, okay?" ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin naman siya nang hawakan ko ang kamay niya. 

"Sige, dito na ako."  wala pa kami sa tapat ng bahay namin ay nagpupumilit na akong bumaba. Nasa tabi lang rin naman, ayoko lang talaga na sa mismong tapat ng gate namin dahil madalas na akong nahuhuli ni Lola at minsan ay ni mama. 

"Sure ka?"  tanong niya sa akin. Mabilis na tumango lang ako at ngumiti. Paalis na sana ako kaso nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nakakagulat! Ano bang problema? Bakit may iba akong nase-sense?

"I love you."  bulong niya. Napangiti lang ako. Minsan talaga ay sinusumpong ng ka-sweetan itong si Renzo. :")

"Jelynne!"  napabitaw si Renzo at napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses ni Mama. Hindi naman pagalit ang sigaw niya pero natatakot ako, caught in the act na kami ni Renzo! Ito na ba ang oras para ipakilala si Renzo?

Pumasok na kami sa loob ng bahay dahil iyon ang sabi ni Mama. Oo, kasama ko si Renzo, naglakas loob na rin siya para naman hindi siya ma-bad shot kay mama.

"Hindi ba kayo nilalamok sa labas? Palagi na ko na lang kayong nakikita doon." ang sabi ni mama habang inilalapag ang pinggan sa mesa. 

Nagkatinginan kami ni Renzo sa narinig. Napalunok ako kahit na wala na akong laway dahil sa sobrang kaba. 

"Kumain muna na kayo pagkatapos ay magkwento na kayo sa akin."  dugtong ni mama bago tuluyang lumabas ng kusina. 

Sa tingin palang ni Renzo ay alam kong nag-aalala siya, kinakabahan rin. Alam kasi niyang hindi pa ako handa at lalong hindi magiging handa si mama sa mga ganitong klaseng bagay. But Renzo had proved me how much he loves me and this is the only thing I can to prove that I'm ready to take the risk, that's how I love him.

"Pwede mo namang sabihing friendly hug lang 'yung nakita ng mama mo kanina." pagbasag ng katahimikan ni Renzo. "Sabihin mo, bakla ako."  at umakto siya na para bang bakla, hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na matawa.

"Para kang sira!"  natatawang sabi ko.

"Seryoso ako. Maiintindihan ko naman kung hindi ka pa talaga handa eh." hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.

"It's now my turn, Renzo. You don't have to worry."  alam kong hindi niya ganoon naintindihan ang sinabi ko. "Basta, magtiwala ka lang." Iyon lang ang sinabi ko pagkatapos ay muli ko nang hinawakan ang kutsara ko at nagpatuloy sa pagkain.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon