Chapter 31*

1.2K 21 4
                                    

Chapter 31 ~

Nagising na lang ako sa isang kwarto na punung-puno ng mga larawan ko. Kailan pa nagkaroon ng collage pictures sa wall ko? Hindi, hindi ko ito kwarto!

Tumayo ako at nilapitan ang aking mga larawan. May mga recent, mayroon din namang luma. Pero ang karamihan, mga shots na hindi ko alam kung saan ako kinuhanan. Stolen pictures!

Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto. Si Dinno ang bumungad sa akin. May dala siyang tray na malamang ay pagkain ang nakalagay.

"Gising ka na pala."  sabi niya sa akin, sabay ngiti.

"Dinno, ano bang ginagawa mo?"  I said in a very weak tone. 

"Eto, nagdala ako ng pagkain, papakainin kita, alam kong gutom ka na. 5 hours kang natulog e. "

5 hours? Sigaw ko sa sarili ko. Napaupo na lang ako sa kama na parang nanlulumo. Ba't ba ako napasok dito? At bakit ito ginagawa ni Dinno?  

Hinila niya ang isang plastic chair at umupo sa harap ko.

"Sige na, kain ka na. Say aahhh." at ngumiti siya sa akin. 

Kung makangiti naman siya ay parang wala syang ginagawang masama. Naiinis ako. Nasasaktan. 

"Itigil mo na ang kalakohang ito."  biglang kumunot ang noo niya sa narinig at ibinagsak ang plato sa harap ko. 

Napapikit na lang ako sa sobrang takot! Hindi ko na napigilan ang sarili sa pag-iyak. 

"Sorry." naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko. "Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko sa'yo. Nauna lang si Renzo na magtapat sa'yo pero mas nauna kitang minahal kaysa sa kanya."

"Hindi naman ito tungkol sa kung sino ang nauna. Kaibigan kita Dinno, wag mo naman sanang sirain yun."  patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

"Wag mo nang ipilit ang nararamdaman mo, di ko kayang ibigay yan sa'yo. Alam mo yan."

Huminga siya ng malalim at nakita ko ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Hindi na ba talaga mababago ang nararamdaman mo?"  nanlulumong tanong niya sa akin.

"Kung kaya ko lang baguhin, edi sana nagawa ko na noon pa. I once said to myself that I will never, ever fall in love with somebody. Pero wala akong nagawa. Mahal ko na talaga si Renzo."

Yumuko na lang siya bigla at napaisip kung anong gagawin niya. Yumuko pala ito para linisan ang pagkaing nagkalat at ang platong nabasag kanina.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon