Chapter 9*

1.7K 27 12
                                    

Chapter 9 ~

JELYNNE's POV

Pagkatapos nang pag-iintay namin ni Renzo kina Kaysha at Reign ay malalaman kong umalis pala ang dalawa para raw kunin ang kotse ni Reign na nasa ewan ko kung nasaan nga ba. Babalik din daw sila agad para raw maihatid na kami.

Pero sinabi ko kay Kaysha na uuna na kami ni Renzo dahil marami pa akong gagawin. Dahilan ko lang iyon pero sa totoo lang, naiinis na talaga ako at ayaw ko na siyang hintayin pa! Ang nakakainis pa, pagkatapos kong iyon itext ay hindi na siya nagreply pa.

Fine!

"Intindihin mo na lang."  bulong sa akin ni Renzo na katabi ko ngayon sa jeep. Nagpupumilit kasi siya na ihatid ako.

Intindihin? Maiintindihan ko ba kung bakit pa ako sinama ni Kaysha sa lakad nila ni Reign? Hindi ko maiintindihan yun! Nagmukha lang akong tanga. Buti na nga lang at kasa-kasama ko si Renzo. Atleast, hindi ako mag-isang palinga-linga at nag-iintay sa kanila.

Hindi ko pinansin si Renzo dahil sobrang badtrip na talaga ako. Bumaba ako sa jeep nang mapansing nasa Metro Green Village na pala ako. 

"Teka lang!" narinig ko ang boses ni Renzo. Nakalimutan kong kasama ko pa pala siya. Wait, ang sabi ko hanggang sa harap lang siya ng gate ng village. Bakit siya sumunod hanggang loob?

"Ang bilis mong maglakad!" reklamo niya.

Lumapit siya sa akin at agad naman akong lumayo sa kaniya. Ilang hakbang na lang ay nasa bahay nasa may amin na kami. Hindi pwedeng makita kami ni Mama na magkasama.

"Umuwi ka na nga!" sabi ko sa kanya.

"Pauwi na nga ako!"

"Hindi ako nakikipagbiruan. Sige na, umuwi ka na." at tinulak ko siya palayo.

 "Wait lang!"

"Ano?" parang nahulaan ko na kung anong iniintay niya. "Okay, salamat sa paghatid." at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pero naramdaman kong sumusunod pa rin siya sa akin.

Sinamaan ko na siya ng tingin.

"Hindi ako aalis kasi taga rito ako."

"Talaga? Bakit hindi kita nakikita dito?" sarkastikong tanong ko.

"Malay ko sa'yo." sagot niya.

"Fine! Mauna ka na!"

"Ayaw mo ba akong kasabay maglakad?" tanong niya sa akin. Ganun na nga! Ma-issue pa ako. "Okay." pagsuko niya. "Kitakits na lang bukas."  at ngumiti siya sa akin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon