Chapter 17.1*

1.4K 19 14
                                    

Chapter 17.1 ~

Nagising ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko. Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi ko na magawa dahil masyado nang masakit sa mata ang liwanag! Arghh.

Pagkatayo ko ay agad kong hinanap si Renzo pero nakakapagtakang wala na ito sa kama. Teka nga, bakit ko ba siya hinahanap? Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. >//<  Pagkatapos ng nangyari, tatakbuhan na lang niya ako?

Nakakainis!

Nang mapalingon ako sa may bintana ay napansin kong mataas na pala ang sikat ng araw. Gosh! Tanghali na pala? Bakit wala man lang nag-abalang gumising sa akin? Late na naman po ang inyong lingkod!

Naligo na ako at pagkatapos ay dinampot ko ang aking toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste. Hindi ko naituloy ang pagto-toothbrush nang mapatingin ako sa salamin. Napatitig ako sa sarili ko, sa labi ko at nagflashback na naman lahat!

"Sorry, hindi ko sinasadya."  iyon lamang ang narinig ko sa kanya pagkatapos ng halik. Pero bakit ganun, parang hindi yun ang gusto kong marinig sa kanya. Hindi sorry. 

Nakaramdaman ako ng sakit kahit hindi naman dapat ako masaktan. Ano ba naman ito! Ito na nga ba ang sinasabi ko, masasaktan lang ako kapag nagmahal ako. 

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsesepilyo! Shete. Super late na talaga ako. Bakit ba hindi ako ginising ni Lola? Palagi naman niya akong ginigising ng maaga ah!

Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina dahil alam kong doon ko makikita si Lola. Kataka-taka namang nadoon pa si Renzo at magkausap sila ni Lola. Nagtatawanan pa! Kailan pa sila naging close?

Kaya pala nakalimutan na akong gisingin ni Lola! Abala pala sa aming "bwisita"!

Nagtangka akong umalis pero mukhang nahuli na ako ni Lola.

"Pa-saan ka, Je? Bakit ka naka-uniform?"

Malamang. Sa school, sagot ko sa isip ko.

"Wala raw kayong pasok ah."  napataas ang kilay ko. Anong walang pasok? Napatingin ako kay Renzo para sana itanong kung totoo iyon pero umatras ang dila ko at napaiwas na lang ng tingin. Naiilang ako!

"May biglaang meeting ang mga faculty members. Walang pasok lahat ng seniors."  sabi naman ni Renzo.

"Ahh."  yun na lang ang sinabi ko at naglakad na palabas ng kusina.

"Hindi ka ba kakain, Je?"  narinig kong tanong ni Lola.

"Mamaya na po."  sagot ko naman na hindi lumilingon.

Umakyat ako sa kwarto ko at inis na inis na hinubad ang unifrom ko. Nakakainis! Effort pa ako sa pagmamadali, wala naman palang pasok. Magsusuot na sana ako ng pambahay ko nang biglang bumukas ang pinto.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon