Special Chapter #2 : Handcuffed idiots

50.6K 2.1K 224
                                    

| Mackenzie's Point of View |

Nagsisialisan na ang mga bisita sa hotel kung saan dinaos tong reception kayat agad kong hinanap sa paningin ko si Kuya Travis, loko-lokong yun iniwan yata ako. Paano nato? Gusto ko ng umuwi, May jet lag pa ako at unti-unting ng sumasama ang pakiramdam ko.

Tutal bigla ring nawala sina Robbie at Peter ay naisipan ko na lamang na magpunta sa restroom.

Habang naroon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. 

Andami na talagang nagbago, kasama run ang paghilom ng mga sugat dala ng masasamang nangyari. Napangiti ako at winisikan ng tubig ang mukha ko. This is it... This is a new start.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto at itinulak ito upang mabukas ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang bumalot ang lamig ng metal sa pulso ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may posas na ang kaliwang kamay ko.

"Gago ano to?!" Sigaw ko ngunit ang lokong si Peter ngumiti lang at ikinabit ang karugtong ng posas sa kanang kamay niya. 

Hala, pinosas niya kaming dalawa! Nababaliw na ba siya?!

"Limang taon kitang hinintay kayat hindi ko na hahayaang makalayo ka ulit." Kalmado niyang sagot habang nakangiti parin. Gustuhin ko mang mainis sa kanya ay hindi ko magawa, Sa totoo lang napakasaya ko pero paano na ako makakagalaw nito kung nakaposas ako sa kanya?! Literally.

Napabuntong hininga ako at tiningnan siya sa mga mata. "I will never leave you again pervert. I love you, you jerk... tsss" 

Lumapad yung ngiti niya. "Good!" Bigla niya akong hinalikan sa labi ko pero smack lang. "Because if you will," Muli niya akong hinalikan "Kakaladkarin kita sa simbahan," and again he stopped talking just to kiss me "At pakakasalan kita," His lips touched mine for the nth time "Araw-araw" Isinandal niya ako ng bahagya sa pader, buti nalang walang ibang tao dito. Nakahawak ang kamay namin sa isat-isa habang ang noo namin ay magkadikit. He smiled, so did I. Ang lapit lang ng mukha namin sa isa't-isa. "I love you impakta" he whispered and looked me in the eye.

Alam kong hahalikan na naman ako ng manyakis nato kayat agad ko nang tinakpan ang bibig ko.

"Kota ka na." I said and smirked.

Napakamot siya sa ulo niya at napa-pout na parang isang bata.

I giggled. And this time, ako na ang humalik sa kanya. Akala ba niya sa lang ang pwedeng manghalik?! Hindi noh!

When our lips parted he giggled like an idiot.

Damn I really missed this idiotic pervert!

"Hala Mackenzie dumadamoves ka na sa akin? ayieeee" Panunukso niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ng kamay ko.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon