Fear 23 : Is it Worth it?

63.5K 2.3K 1.3K
                                    

THIRD PERSON'S POV

"RUN!" Sigaw ni Mackenzie bilang babala ngunit nakatulala lamang si Peyton dahil sa gulat at si Jamie naman ay naghi-hysterical habang pilit na ginigising ang wala ng buhay na si Ms. Lacey.

Hindi nakilala nila Mack na si Finn ang taong pumatay kay Ms. Lacey sapagkat nakasuot ito ng jacket at hood na siyang nagkukubli sa mukha nito.

Akmang hahagisan na naman sana ni Finn ng kutsilyo sina Mack ngunit mabuti nalang at naging maagap si Mack at agad niya itong tinapunan ng eraser ng blackboard na nasa likuran nila.

Tinamaan si Finn ng Eraser kayat agad itong napaubo nang sumabog ang maraming puting alikabok. Pumasok din ito sa kanyang mga mata kayat saglit siyang napayuko.

Akmang tatakbo na si Mack habang hawak sa kamay ni Peyton nang maalala niya si Jamie kayat tumigil siya at agad niyang hinigit ang braso nito. "JAMIE TAKBO!" malakas na sigaw nito kayat humahagulgol na sumunod sa kanila si Jamie.

Sama-samang nagtakbuhan papalayo at tatlo. Dahan-dahan bumukas ang ilaw sa bawat dinadaanan nila kayat bahagya silang nagkaroon ng pag-asa. Hindi na ito kagaya ng kanina na napakadilim.

Takbo lamang sila ng takbo samantalang si Finn ay naglalakad lamang na sumusunod sa kanila. Ipinadadaan niya ang kutsilyo sa kisame habang naglalakad kayat naglalabas ito ng tunog na nakakatakot at hindi kaayaya.

Umabot sila sa hagdanan. 

Akmang bababa na sana sila nang isang baitang ng hagdanan nang bigla na lamang may isang sumalubong sa kanilang isa na namang taong nakasuot ng jacket at hoodie.

"Umalis ka!" Susugurin sana ito ni Mack ng suntok nang bigla na lamang itong naghagis sa kanila ng isang bagay na may bilugang hugis. Sa gulat ni Mack ay hindi na niya magawang sumugod. Napako na lamang ang kanyang paningin sa bagay na inihagis sa kanila na ngayoy nasa sahig na.

"NOOOO!" Magkahalong Sigaw at tili nila Peyton at Jamie na takot na takot nang mapagtanto nilang ang pugot na ulo ni Nina pala ang itinapon sa kanila. 

"M..MACK TARA NA!" Iyak ni Peyton at dali-daling hinila si Mack na nakatulala parin upang makalayo sila pangalawang salarin na nasa hagdan.

Muli silang nagtakbuhan. Wala na silang iba pang mapuntahan kayat dali-dali na lamang silang pumasok sa faculty office sapagkat ito lamang ang pinakamalapit sa kanila. Pagpasok nila ay dali-dali nilang hinarangan ng mga mesa at upuan ang pintuan upang hindi makapasok ang mga salarin.

"The phones!" sigaw ni Peyton at dali-dali itong tumakbo palapit sa telephone na nasa mga table at sinubukan ito kung gumagana ba ito. "FVCK ITS NOT WORKING!" sigaw ni Peyton habang humahagulgol at naitapon na lamang niya ang telepono dahil sa pagkakadismaya.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon