Fear 19 : Wake-up Calls

70.6K 2.4K 2K
                                    

  CHIPPY'S POV

"NASAAN ANG ANAK KO?!" Aligagang Sigaw ng daddy ni Mack na kararating lang dito sa hospital. Agad siyang sinalubong ng doktor upang ipaliwanag ang sitwasyon ni Mack.

Nandito lang kami sa labas ng kwarto ni Mack. Hindi pa kami pinapapasok kayat kanya-kanya muna kami ng pwesto dito.

"You know if anything happens to me? Ikaw ang sisisihin ko" 

Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina kayat hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko ngunit pilit ko itong pinipigilan. Kasalanan ko to. Kung sana sinamahan ko lang si Mack. Kung sana hindi ako nagpakatamad. Sana hindi mangyayari to.

"Chippy okay ka lang?" mahinang bulong ni Eroll kayat napailing-iling ako.

 "Dude its not your fault stop being such a baby!" sigaw ni Finn sa akin kayat napayuko nalang ako.

Kahit na anong sabihin nila upang pagaanin ang loob ko, alam ko parin namang kasalanan ko to. Kasalanan ko ang lahat nang to. 

"Who couldve done this?! " Galit na sigaw ni Peyton na nagpapabalik-balik lamang sa paglalakad dahil alalang-alala narin siya.

"Ikaw Topher wala ka bang nakita noong nasa labas ka?" tanong ni Sir Robbie. 

Agad napailing-iling si Topher na katabi lang namin. "Wala po sir, Hindi po ako sumabay kay Peyton na pumasok sa school dahil may inayos ako sa kotse ko. Bigla akong nakarinig na may sumigaw pero binaliwala ko lang, akala ko kasi guni-guni ko lang. hehe" Topher.

Sabi ng mga doktor maayos naman daw si Mack kaso matagal pa daw bago siya magigising. Si Happy ang hindi. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa kanya ang nangyari dahil alam naming mahal na mahal niya yung aso niya at siguradong masasaktan na naman siya.

Ilang oras ang lumipas ay bigla na lamang dumating si Travis na tumatakbo. Daig pa niya ang reaksyon ng daddy ni Mack.

"Nasaan siya?!" Sigaw nito na mistulang alalang-alala at pawis na pawis.

Natahimik kaming lahat at napatingin sa kanya. Takang-taka kami dahil sa loob ng isang taong magkaklase kami, Ni minsan ay wala siyang ipinakitang interes kay Mack.

"Dude okay lang siya, tulog pa" Pagpapakalma ni Eroll sa kanya. 

Bigla siyang napabuntong-hininga. Napansin yata niya na nakatingin parin kaming lahat sa kanya kayat dahan-dahan siyang umupo sa katabing hilera ng mga upuan at nagpatay malisya nalang.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon