Fear 7 : Flying Pigs

82.7K 2.6K 2.2K
                                    

Dedicated to: _OMENA, malaki ang natutunan ko sa comment mo mula dun sa OSP. Maraming salamat hehehe. :))) God Bless <333



- - - -- - - - -- 

MACKENZIE'S POV

gusto ko talagang makinig sa lesson ni Ms. Lacey kaso wala akong gana.

"The three laws of gravity are BLAH BLAH BLAH BLAH" hindi ko na lubusang naiintindihan ang pinagsasabi niya dahil ano mang oras ngayon ay maipipikit ko na ang mga mata ko. Ipinatong ko nalang sa kamay ko ang mukha ko. please lumayas ka na may gagawin pa ako....

bigla kong naramdaman na may sumipa ng malakas sa armchair ko kayat kaagad akong napalingon sa likuran ko.

"Makinig ka wag kang matulog..Tsss" bigla akong inirapan ni Travis. Bwisit

"Gago" mahinang bulong ko at kaagad siyang sinamaan ng tingin.

Diyos ko nakakabwisit na talaga. Sipain ba naman ang armchair ko T_T

"Ako gago? " nagulat ako nang biglang nagsalita ang Shitmate kong manyakis.

kaagad na nakunot ang noo ko "Ano?" yun nalamang ang nasabi ko at sinamaan din siya ng tingin. Ano bang problema ng manyakis nato?

Seriously bakit ba ganito ang seating arrangement namin?! Napapalibutan ako ng mga lamang lupa. Nasa likuran ko si Boy irap samantalang katabi ko naman si Boy Manyak. Putapeteng buhay!


"Bakit mo ako tinawag na gago? nananahimik lang ako dito" sabi ni Peter gamit ang mahinang boses para di kami marinig ng teacher.

Napasinghal nalang ako. "Hindi ka lang pala manyakis. Assuming ka pa" mahinang bulong ko at agad siyang sinamaan ng tingin. Hindi rin siya nagpahuli sinamaan din niya ako ng tingin.

Umayos ako ng pagkakaupo at muling humarap sa kanya. Napabuntong hininga ako at mas sinamaan ang pakikipagtitigan sa kanyang mga mata. Ganun din ang ginawa niya.

Biglang napa-smirk si Peter "Kung sino ang kumurap siya ang talo?" panghahamon ni Peter sa akin.

Ngumiti ako at napa-smirk din. "bring it on pervert" taas noong sabi ko sa kanya.

Titig na titig lang kami sa mga mata ng isa't-isa. Wala sa aming kumukurap at nagpapatalo. Pasamaan ng tingin habang walang expresyong nakikita sa mukha namin. 

habang tumatagal ay gumagalaw na ang ibabang parte ng mata ni Peter. Alam kong naluluha na siya at kahit na anong oras ay pipikit na siya. Nice mananalo ako nito. bwahahaha

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon