DO NOT READ

74.2K 1.7K 383
                                    

HEY YOU, DONT READ THIS ^_____^

PAWANG KABALIWAN LANG TO :)

HINDI ITO ANG TOTOONG EPILOGUE

 

-----------------------------

THIRD PERSON'S POV

Walang humpay sa pagsigaw at pagluha si Peter habang pilit na ginigising ang walang buhay na si Mackenzie. Hindi nito matanggap ang pagkawala nito.

Maluha-luhang pinagmasdan naman sila ni Chippy na ngayoy nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"Kenzie..." mahinang bulong ni Chippy habang humahagulgol.

Hindi ito makapaniwala na sa isang iglap, wala na ang mga kaibigan niya. Mistulang nanlambot ang mga paa nito at agad na paupong bumagsak sa sahig kasabay ng pagragasa ng luha niya.

Dahan-dahang tiningnan ni Chippy ang kanyang kamay at pinagmasdan ang baril na nakuha niya malapit sa bangkay ni King nang matagpuan niya ito kanina.

Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahang itinututok ito sa kanyang sentido. Dahan-dahan itong pumikit habang humahagulgol.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw at agad na bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ni Chippy.

- - - - - - - - - - - -

NATALIE'S POV

Napakabilis ng paglalakad ko sa pasilyong nababalot ng kulay puti. Nanlalamig ang mga kamay ko at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Wala akong ibang gusto kundi makita siya pero bakit dito nila ako pinapunta?

"Nate?...nate slow down...please" Sabi ni Lizzy na mistulang naiiyak at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Liz how can i slow down?! Di mo sinasabi sa akin kung bakit tayo nandito. Siguro...siguro nandito si red ano? m..may sorpresa siguro ang gago tapos...tapos nangt-troll lang kayo..." mautal-utal kong saad at mas binilisan pa ang paglalakad ko. Nakakasalubong ako ng mga nurse at mga doktor panay ang tingin nila sa akin, gusto ko silang sapakin pero wala akong pakialam sa kanila. Ang importante ay makita ko siya ngayon.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot akong magtanong. Bigla kong napansin sa hindi kalayuan si Clyde. Nakatayo ito malapit sa pintuan habang nakayuko.

"Clyde!" tawag ko sa kanya at agad siyang lumingon sa akin.

Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata kong kanina ko pa pinipigilan.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon