Fear 24 : Bravery and Stupidity

64.8K 2.3K 1.7K
                                    

THIRD PERSON'S POV

Akmang papasok na naman si Eroll sa kwarto kung saan nakakulong sina mack ngunit agad na siyang pinigilan ni Finn.

"Eroll wag mo nang ituloy ang binabalak mo. Mackenzie's our priority here. Dont forget that" Paalala ni Finn kayat dahan-dahang napabitaw si Eroll at doorknob. 

Tumango na lamang si Eroll. "Wag kang mag-alala di ako gagaya kay Hailey."

Napasinghal si Eroll. "Tangina ano na kayang nangyayari kay Hailey ngayon" mahinang bulong ni Finn.

"Nga pala paano mo nalaman ang tungkol sa magiging plano nila Ms. Lacey? Tangina finn bakit di mo sinabi sa amin na wala palang multo?" Pag-iiba ni Eroll ng usapan.

Bahagya na lamang tumawa si Finn. "Kanina sa blackout napansin kong kinuha ni Caleb ang cellphone sa bag ko. Antanga niyo dahil di niyo napansin. Nang dahil din dun kinutuban ako. At tama nga ang hinala ko, May plano nga sila. Pero sorry sila dahil mas maganda ang plano ko" taas noong saad nito.

Napasinghal na lamang si Eroll. "Grabe ka talaga black. Sige hanapin ko muna ang iba. Mamaya ko na sila babalikan" paalam ni Eroll.

- - - - - - - - - -- - --

MACKENZIE'S POV

Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko. Ayokong makita ang walang buhay na katawan ni Topher. Mas lalo lang akong nasasakan.

Pinipilit kong magpakatatag ngunit balewala. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naririnig kong humahagulgol si Peyton kayat mas lalo nalang din akong napapaiyak.

Ang takot na nararamdaman ko ngayon ay kagaya nung takot na naaalala ko noong bata pa ako. Ayoko ng ganito. Gusto ko ng umuwi....

"Mack kahit na anong mangyari wag kang panghihinaan ng loob ha? Wag kang matatakot dahil matapang ka. Pinalaki kitang matapang." Muli kong naalala ang parating sinasabi sa akin ng daddy ko.

Bigla kong naalala ang mukha ng kuya kong nawalay sa akin. Kung hindi dahil sa kanya maaaring namatay ako noon....Hindi ko alam pero bahagya akong nagkaroon ng lakas ng loob nang maalala ko ang tapang ng kuya ko noong mga panahong na-kidnap kami. I survived 10 years ago.....I can survive now.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-buhos ng luha ko nang mapatingin ako kay Peyton.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon