Fear 1 : Lets Make a Pact

168K 3.6K 4.2K
                                    

A.N : WAG BABASAHIN KUNG HINDI MO PA NABABASA ANG OUR SUICIDE PACT. BOOK TWO ITO.

INUULIT KO , BOOK 2 ITO NG OUR SUICIDE PACT.

The italicized words are the character's thoughts. Ang settings ay doon parin sa lugar ng book 1 pero ibang school at ibang students. Let the bloodbath begin........

  Dedicated to : Sweetbluerose , Maraming-maraming salamat sa iyong mahahabang comments. Sanay patuloy mo parin itong supportahan. Hehehe. God bless ♥


(ONE DAY AFTER THE EVENTS OF OUR SUICIDE PACT)



- - - - - -- - - -


MACKENZIE’S POV

“Kasalukuyan po ngayong isinasakay sa ambulansya ang isa sa mga bangkay na bunga ng malagim na massacre na nangyari dito sa isang retreat house sa lungsod ng baguio Kahapon. Napag-alamang ang mga biktima ay estudyante ng Jeongsin Academy. Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng iba pang mga bangkay na natagpuan dito.”

Kaagad akong napaupo sa sofa nang marinig ko ang reporter na nagsasalita. Dali-dali kong hinablot ang remote control at nilakasan ang volume ng TV. Ang Jeongsin Academy ay ang Rival ng school namin kayat hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Noong mga nakaraang-araw ay sunod-sunod silang nababalita dahil sa mga estudyanteng namamatay. Nakakatakot lang dahil malapit lang ang  school nila sa school namin.

“Natagalan po ang pagrescue sa iba pang mga biktima dahil sa mga mababangis na asong nakakalat sa paligid. Lubos na ikinalulungkot ng ---------------“

Hindi ko na natapos pa ang pinanonood ko nang biglang namatay ang tv. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.

Sinong hudas ang pumatay ng TV?!

Nagulat ako nang makitang nasa gilid lang pala si Daddy at nakatayo habang hawak ang plug ng TV. And theres the answer...

Daddy naman eh! Nanonood pa ako nun!” Malakas kong sigaw sa kanya sabay pakita sa kanya ng pamatay kong pout.

Ngumiti lang si Daddy at tumabi sa akin sa sofa.

“Anak hindi mo na kailangan pang marinig ang balitang yun” Sabi ni Daddy sabay tapik ng ulo ko.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon