Found

56.6K 2.2K 510
                                    

MACKENZIE'S POV

Patungo kami ni Peter sa Oval nang bigla naming nakasalubong sina Hailey at  Nina.

Teka bakit naka PE uniform si Hailey? Wala namang PE ngayon ah at wala din siyang sport na sinalihan. Weird..


As usual inirapan na naman ako ng Bruhang si Hailey. Bwisit

"Di ba kayo magkasundo nun?" biglang tanong ni Peter

Napasinghal na lamang ako sabay ngiti. "Never. Inaaway ako eh! Patatalo ba ako?" sagot ko 

- - - - -- - - - - -- 

Huminga ako ng malalim at inayos ang baseball cap sa suot ko. Ibinend ko ang mga paa ko at saka pumwesto upang hatawin ang bolang itatapon sa akin ni Topher gamit ang baseball bat ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga bintana ng classroom namin kayat nagtaka ako nang makakita ako ng isang babaeng nakatayo sa Isang bintana ng classroom.

Narinig kong sumigaw si Topher hudyat na itatapon na niya ang bola ngunit bigla akong nanigas na pwesto ko. Hindi ako makagalaw dahil may kung anong nag-uudyok sa akin na titigan yung babaeng studyante na nasa taas.

Pakiramdam koy nanlamig ang buo kong katawan ng maaaninag ko ang mukha ng babae. Duguan ang kanyang mukha at may ngiti sa kanyang labi. Nakakatakot ito. Ngunit mas natakot ako nang mapagtantong ang babaeng tinitingnan ko ay si Julie.... Nakatingin siya sa direksyon namin at nakangiti siya.

"MACKENZIE FOCUS!" sigaw ng coach namin.

Otomatiko kong nabitawan ang baseballbat.

"J..Julie...Si Julie" mahinang bulong ko habang takot na takot ako.

Tumakbo si Topher sa kinatatayuan ko.

"Hoy namumutla ka ah? Anong problema?" tanong niya

Lumingon ako sa kanila at agad na itinuro ang bintana. Ngunit laking gulat ko dahil nang balikan ko ito ng tingin wala ng tao doon.

"Anong meron?" Topher.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko at halos manginig na ang kamay ko.

"Dude I s..saw julie!" napasigaw ako

Agad nakunot ang noo ni Topher

"Wala naman ah?" Sabi niya habang nakatingin sa bintana.

"Malay ko kung tumalon o tumakbo pero nakita ko siya!" napasigaw agad ako. Ayokong magmukhang baliw dito pero totoong nakita ko siya. Shit totoo pala yung kay Hailey kahapon.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon