Fear 28 : Boomerang

60.9K 2.3K 2.1K
                                    

Mackenzie's POV

Mahigpit parin ang pagkakayakap ko kay Kuya. Natatakot akong bumitaw....Natatakot akong sa pagbitaw koy bigla siyang mawala at magising ako sa isang tanginang panaginip.

Akala ko pinapaasa ko lang ang sarili ko na nahanap nga niya ako pero heto totoo nga. Siya nga yung nagpadala ng birthday cake sa akin.

"Kuya p..panaginip ba to?" mahinang bulong ko habang isinasandal ang noo ko sa bisig niya.

Bahagya siyang tumawa at hinimas ang ulo ko. "No kiddo...This is real. Bitaw ka na nahihirapan na akong huminga"

Tumawa na lamang ako pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Napapikit ako ngunit bigla akong napaisip. Dinukot ako ng kapatid ko ngayon? Kung kapatid ko si Travis bakit wala siya dito. Sa wakas nahanap niya ako

Tatanungin ko na sana siya tungkol dito nang bigla kong naramdamang may kung anong tumulong likido sa buhok ko kayat dahan-dahan kong hinawakan ang ulo ko. Laking gulat ko nang tingnan ko ang kamay ko at nakitang may dugo ito. Dali-dali akong bumitaw kay Kuya.

Dumugo ang ilong niya at napakaputla niya.

"Kuya yung ilong mo? K..kuya okay ka lang?" Alalang tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya at pinunasan ang dugo sa ilong niya gamit ang sleeve ng suot niyang damit.

Ngumiti lang siya ng napakalapad. "Oo naman. Nasobrahan lang ng dugo ang katawan ko kayat heto lumalabas na. haha" 

Nakunot na lamang ang noo ko sa sinabi niya. Kahit ilang taon na ang lumipas medyo gago parin siya. 

"Pero kuya seryoso okay ka lang? Amputla mo eh." Tanong ko ulit at agad na inilagay ang palad ko sa noo niya upang alamin kung may lagnat ba siya.

Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko ito kayat bahagya akong nagtaka.

"Ano?" tanong ko

Ngumiti ulit siya at agad na napailing-iling. "Ang laki-laki mo na....Noon ako pa ang gumagawa niyan sayo sa tuwing wala sina mommy at daddy sa bahay kung may sakit kayo ni Troy. Payakap nga ulit Faith" Sabi niya at ulit at agad akong niyakap. Hindi ko ulit maiwasang maluha nang maalala ang nakaraan. 

pinunasan ang luha sa mga mata ko. Ayoko ng umiyak.

"Kuya nasaan si Kuya Troy? Diba dapat nandito din siya?" tanong ko

"Aish! Gaya ng dati napaka-matanong mo parin faith. Sulitin muna natin ang oras okay?....Sulitin muna natin ang oras na nandito pa ako"

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon