Fear 5 : He's still alive

84.9K 2.6K 2.4K
                                    

Dedicated to : Maknaeprince. di ka na talaga isang silent reader. hahahaha XD sanay patuloy mong suportahan ang story nato. God bless :))



PETER'S POV

Pagdating ko sa bahay ay agad kong naabutan si RED na naglalabas ng mga gamit mula  sa malalaking kahon. Kakalipat lang kasi namin dito at wala pa masyadong furnitures ang bahay.

Ewan ko din sa mga gagong to , sinabihan kong apartment nalang ang kukunin namin pero mas gusto nilang bahay para daw hindi kami obvious.

"Punyeta saan ka galing? Kita mong hirap na hirap ako dito sa paglilipat ng mga gamit tapos di mo pa ako tutulungan!" Sigaw ni Red

napakamot nalang ako sa ulo ko at napangiti. Bilib ako kay Lexi dahil natagalan niya talaga ang ugaling striktong tatay ni Red.

malay ko bang matatagalan ako, Plano ko lang naman magpahangin kaso nakita ko yung akala kong akyat bahay -_-

pupunta na sana ako sa kusina para maghanap ng ice na ilalagay sa bugbog sarado kong mukha nang biglang nagsalita si Red "Teka anyare sa mukha mo? alam kong sira yang mukha mo pero mas lumala na yata ngayon!" sabi nito habang tawa ng tawa.

Tiningnan ko nalang siya ng masama "Gago! pinagsisipa tong mukha ko ng babae dun sa kabilang block! Bwisit nga eh, nagasgasan yung gwapo kong mukha" agad akong napasinghal at nagtungo sa kusina upang manghilamos. Napapangiwi ako sa bawat haplos ng tubig sa mukha ko dahil sa hapdi , ang lakas kasi ng pagkakasipa ng babaeng yun sa mukha ko. Mabuti nalang dahil galos lang at pasa ang natamo ko.

"Yan kasi , nangmamanyak! yan tuloy napala mo! hahahahahha!" Nagulat ako dahil sinundan pala ako ng gago dito sa kusina. Bwisit sarap tapunan ng kutsilyo ang bunganga. Pinagtawanan pa ako -_-

"Redentor ilang beses ko bang kailangan sabihin sayong Nagbago na ako! Pagkatapos ng Near Death Experience ko , Hindi na ako manyak! Aksidente ko lang nahawakan yung dibdib niya!" Napasigaw ako ngunit patuloy lang siya sa pagtawa.

Bwisit! Seryoso ako!

For the past four months pinipilit ko ang sarili kong magpakatino. Umiiwas na ako sa lahat ng kaberdehan! Masakit! Mahirap! Pero nagsisikap ako! 

"Aksidente O sinadya?" Tanong ni Red na may ngiting aso. Shit ! buhusan ko kaya to ng kumukulong tubig?!

"AKSIDENTE! 169% AKSIDENTE! " napasigaw ako

muling tumawa ang gago.

"Weh? Nag-enjoy ka naman?" Muling tanong niya habang may ngiting aso parin.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon