Trust and Doubts

57.8K 2.3K 935
                                    

PETER’S POV

Napabuntong hininga na lamang ako upang pakalmahin ang sarili ko at dali-daling tinawagan si Travis. Alam na pala niya na nawawala na si Mack kayat agad niya akong pinapunta sa dogpound.

Habang papunta roon ay sinubukan kong tawagan si Red ngunit hindi siya sumasagot. Baka walang signal sa hospital. Tatawagan ko sana ulit siya nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Caleb.

“Pete nasaan ka ngayon? Tangina narinig ko sabi ng mga pulis nasaksak daw si Idol?!” tanong nito na alalang-alala.

“Oo pero stable na siya.” Tipid kong saad at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

“Dude if he dies were doomed. Mawawala na ang bakal na krus” Caleb

Napakuyom ko nalamang ang kamao ko dahil sa inis. “Pwede ba caleb wag mo ako distorbohin!” sigaw ko

“Bakit parang problemado ka? Ako dapat ang problemado dito dahil nakakatakot ang mukha ng mga police na nangi-interrogate sa akin” Caleb

“Mack’s Missing. They took her!”

“Ha?! Teka sandali sinong kumuha sa kanya?”

“Ang mga punyetang adik sa chess. Gagawa kami ng paraan upang mailigtas siya”

“Teka sandali tutulong ako! Saan tayo magkikita-kita?!” Tanong ni Caleb

--------------------

“Anong plano? Kilala niyo na ba sino ang dumukot sa kanya?” tanong ko nang magkita kami ni Travis doon sa dogpound.

Biglang humarap sa amin ang isang matangkad na lalaki at agad na inilapag ang isang papel sa mahabang lamesa. Pumwesto rin kami sa mahabang mesa upang tingnan kung ano ang nasa papel. Nagtaka ako nang makita ko ang sketch ng isang building doon sa papel. Detalyadong-detalyado ang sketch na ito.

“This is the anonymosities hideout. Sa labas ay mistula itong isang napakaganda at napakamaayos na building pero kapag nakapasok ka na makikita mo ang tunay na ibig sabihin ng impyerno” Sabi nung matangkad na lalaki.

“Teka sino ka? At anong anonymosities ang pinagsasabi mo?” Takang tanong ng naguguluhang si Caleb sa kanya.

“Kessler” Tipid nitong sagot.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon