Thirty Seven

221K 6.7K 956
                                    


(Before Aaliyah's accidental eavesdrop.)


Third Person's POV


Pumasok sa loob ng opisina si Rachel dala dala ang love letter ni Cindy na itinakbo niya. Plano talaga niya itong ibigay kay Klint kaso nadatnan niya itong wala sa kanyang opisina.


"Wrong timing tsk." Marami pa kasi siyang gagawin at isa na ito ang pagmamatyag sa mga kilos ni Cindy. Matagal na niyang alam ang totoong storya dahil nakita niya kung anong nangyari sa nakaraan at hindi 'yon naging madali para sa'kanya, ilang taon na rin niya itong pinag-gugulan ng oras. Si Ash palang at Ark ang nasasabihan niya tungkol dito.


Napagpasyahan niyang ilagay nalang sa drawer ni Klint ang sulat. Binuksan niya ang pinakaunang drawer saka niya 'yon inilagay sa loob, isasara na sana niya ito kaso napansin niya ang isa pang drawer na nakakabit sa loob. Hindi 'to madaling mapansin dahil mukha itong samento na nakadikit sa gilid. Hindi na siya nagdalawang isip pa at binuksan 'yon at bumungad sa'kanya ang isang volt.


"Anong code nito? Nyemas naman."


Mag-aalaburto na sana siya sa inis kaso naalala niya bigla ang kaarawan ni Cindy kaya sinubukan niyang gamitin yon. Napaawang ang labi niya nang tuluyan itong bumukas at tumambad sa 'kanya ang napaka kapal na libro. Kinuha niya ito mula roon at ibinalik sa ayos ang mga gamit at dala ang libro umalis siya sa opisina ni Klint at nagtungo sa kanyang opisina. Inilapag niya sa kanyang mesa ang librong nakuha at binuksan ang laman nito.


Tama nga siya. Nakay Klint ang orihinal na libro. Kahit na alam at nakita na niya ang nangyari sa nakaraan pinili pa rin niyang basahin ang laman ng libro kaso biglang bumukas ang pinto kaya agad niyang naisara ito. Nakalimutan niyang isarado ang pinto.


"Oy ano yan?"


"Pwede ba kumatok ka muna?!" Napasinghal ito nang makitang si Ark lang pala ang pumasok. Itinaas naman nito ang dalawa niyang kamay at ngumisi. "Chill Rachel."


Napairap nalang siya saka niya ibinalik ang tingin niya sa libro.


"Kamusta na si Cindy. Alam na ba niya na reincarnation siya ni Halei?"


"Hindi pa niya alam pero sa tingin ko nagkakaroon na rin siya ng mga katanungan sa kanyang isipan. Madalas na rin nagpapakita sa kanya ang kaluluwa ni Halei."


"Ano? Ibig sabihin hindi pa sumasanib si Halei sa katawan ni Cindy?"


"Oo, naglalakbay pa rin hanggang ngayon ang kaluluwa ni Halei at ang katawan talaga ni Cindy ang napili niya at wala ng mababago doon. Hindi lang natin alam kung kailan siya papasok sa katawan ni Cindy. Kamusta nga pala si Aaliyah?" Umupo si Ark sa isang sofa at humilata doon. Huli na nang mapansin niya ang isang makalapal na libro na lumilipad papunta sa kanya. "Aray!"


"Alis diyan kung ayaw mong ipalaba ko yan sa'yo."


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon