Two

386K 14.5K 3K
                                    

Aaliyah

"Where is his father?" Nagbalik ako sa realidad nang ulitin niya ulit ang tanong sakin. Pero talagang napipi yata ako.

"Give me his phone number. I'll tell him to fetch your son as soon as possible. Kailangan mong mag focus sa pag aaral mo Ms. Lopez." P*ta! Ni hindi ko nga kilala ama ng anak ko eh!

"Minumura mo ba ako Ms. Lopez?" Hala! Nasabi ko ba yon ng malakas? "Ma'am kasi ho... Uhm." Paano ko ba sasabihin sa kanya na--

"One night stand." Sa lahat ng pwede kong sabihin, bakit yan pa ang lumabas sa bibig ko?! "I mean.. due to my impulsive acts." Napakagat labi ako habang nakatitig sa sahig.
Pagkaraan ng ilang minuto ay di pa siya nagsasalita kaya inangat ko ang tingin ko.

Ba't ang kalma niya? Hindi ba niya ako iinsulutuhin o ano?

"You need to pack your things up."

****

Hindi kami pinalayas o ano, pinatira kami ni Ma'am Garcia sa bahay niya na ngayo'y walang gumagamit. Wala na kasi akong ibang kamag anak at nasa ibang bansa sina mama kaya wala akong mapagiiwanan kay Ivo. 

I let out a long sigh. I let my natural blonde hair fall after I removed my wig. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagsusuot ng wig? Simple lang, may masama akong alaala tuwing nakikita ko ang buhok ko, gustuhin ko mang pakulayan ng iba pero pinapangunahan ako ng konsensya tuwing naaalala ko yung sinabi sakin ni mama.

"Don't dye your hair sweetheart, that's the only thing you inherit from your father."

Night ball nga pala ngayon, kahit na hindi ko gustuhing umattend, wala akong pagpipilian. Ang arte ba naman kasi ng professor namin, napaghahalataang bakla. Bwiset.

"Daddy...Daddy...." Napalingon ako sa anak ko na natutulog habang nagsasalita. Gawain niya yan tuwing tulog siya. "Daddy A---" Saglit akong napatigil, bigla siyang napamulat at para bang uhaw na uhaw. Tama ba ako ng rinig? May muntik na siyang banggitin na pangalan pagkatapos ng salitang 'daddy'.

"Baby are you thirsty?" Mabilis siyang umiling. He cuddled his arms around my neck and whispered to my ears, halatang bagong gising. "I l-love you mommy." I smiled then kiss his forehead.

"I love you too my son. Sleep ka muna okay? Mommy will attend a party." Napasimangot ako ng maalala ko na naman ang party. Dakilang panira ng moment eh! Tinawagan ko nalang muna ang yaya ni Ivo para may magbantay sa kanya.

****

Maraming nakatingin sa akin na para bang nandidiri. Hanggang dito ba naman? Bakit ba ayaw nila akong tantanan?!

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon