Four

376K 11.9K 2.8K
                                    

Aaliyah


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Una kong nahagilap ang orasan kaya tinignan ko kung anong oras na, maghahating gabi na pa--- oooh sh*t! Maghahating gabi na?!


At teka, asan ba ako?


Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko at halos wala na akong maramdaman na sakit. Nakakapagtaka lang.


"Hala! Kailangan ko ng umalis dito!" Pero bago pa man ako makaalis sa kama ay nagulat nalang ako dahil may pumaibabaw sa 'kin. Una kong napansin agad ang mga abo niyang mata, katulad ng mata ni As--- fuutaa!


"You are not going anywhere missy, you ruined my supposed to be sex a while ago." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Ghhaad! Wala bang filter 'tong bunganga niya? Does he really need to pronounce 'sex' in front of my face?


"Get off me!"


"I won't, I'm sorry." Ngumisi siya na tila bang tuwang tuwa siya sa pinag gagawa niya sa 'kin ngayon. At ngayon ko lang din napansin na naka boxers lang siya sa ibabaw ko. Awkward..


"Umalis ka sabi eh!" Sinigawan ko siya sa mukha para matinag siya pero agad siyang sumeryoso. "You really look familiar." Isa isa niyang sinuri ang mukha ko, mula sa mata hanggang tumigil ito sa mga labi ko. Oh ghad.


Bigla ko siyang tinulak at nag success ako ngayon. Halos lagutan na kasi ako ng hininga sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.


"Uhh kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang anak ni sir Anthony. Salamat sa pagtulong mo sa 'kin kanina sa hallway pero kailangan ko na talagang umuwi ngayon." Hindi dapat ako masyadong naglalapit sa 'kanya. Hindi ko pa sigurado kung anong klaseng nilalang siya at natatakot ako na baka kunin niya si Ivo sa 'kin.


"That's impossible miss, malakas ang ulan sa labas." Bumalik ulit ang pilyo niyang ngiti na mas lalong nagpatindig ng balahibo ko. Ngunit nananaig ngayon ang pag aalala ko sa anak ko. Hindi siya makatulog kung hindi ako ang katabi niya, buti nalang at saktong nandoon ang yaya niya sa mga oras na 'to.


"K-kahit na. Kailangan ko ng umuwi." Tumalikod na ako at akmang aalis pero pinigilan niya ako sa braso.


"Ihahatid na kita." Nanlaki ang mata ko. Hindi pwede.


"O-okay lang kahit hwag na. Mag co-commute nalang ako."


"Sorry miss but I don't need your g*dd*amn answer." Nagulat ako dahil basta nalang siya humablot ng black pants at v neck shirt sa walk in closet niya pagkatapos ay bigla niya akong hinila papunta sa basement. Napag alaman ko na nandoon pala kami kanina sa pent house niya dito sa school.


Nang makasakay na kami sa kotse ay mabilis niya itong pinatakbo.


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now