Twenty Five

294K 8.5K 2.6K
                                    

Aaliyah


After 2 weeks...


****


Dalawang linggo na ang nakalipas pero palaisipan pa rin sa'kin kung sino si Mr. Ice cream 'kuno'. Walang araw na hindi siya binabanggit sa'kin ni Ivo tapos napapadalas na rin ang pagtakas niya papunta doon sa dessert parlor.


Tapos kahapon nakakapagtaka kung sinong hinayupak ang naglagay ng pink na baby gloves ng sanggol sa locker ko, siguro pinagtritripan na naman ako. At heto pa, hindi naman sa nagseselos ako o ano pero juskomaryosep nagtransfer pa dito yung babaeng pusit na kasakasama ni Ash at ang mas malala, ka section ko pa. Bwisit. Magsama sila.


"Paging Ms. Aaliyah Lopez, into the principal's office now! Paging Ms. Aaliyah Lopez.."


Wala akong nagawa kundi tumayo kahit na hindi ko pa nakakagatan ang sandwhich ko. Ano naman kaya kailangan sa'kin ng principal? Ah bahala na, binilisan ko nalang naglakad hanggang sa huminto ako sa harapan ng office niya. Kumatok ako ng dalawang beses bago ito kusang nagbukas.


"Come in, Ms. Lopez."


Pumasok ako sa loob, agad na sumalubong sa'kin ang kakaibang amoy kaya napatingin ako sa harapan. "Mr. Principal?" Teka huwag niyong sabihin na may mumu dito? Bakit wala yung principal dito?! Sino yung nagsalita kanina? "Ehem sir?" No response pa rin, nagsimula na akong magtaka. Pinatawag ba ako dito ni sir para makipag laro ng tagu-taguan?


"Sir Principal?" Last na 'to pag wala pa rin bahala na, aalis na ako. Naghintay ako ng limang minuto pero ni katiting na response wala. Okay fine wala kung wala aalis na ako.


*BLAG!*


"Ginataang hinayupak!" Napatalon ako sa sobrang gulat nang bigla nalang magsara ng napakalas ang pintuan. Medyo nasagi ko pa ang vase pero sa kinamalas-malasan nabasag ko pa. Hinayupak talaga!


Syempre sa takot mapagalitan dali dali ko 'yon inayos kaso sa sobrang katangahan hindi ko namalayan ang malaking bubog sa kaliwa ko kaya nung gumalaw ako saktong nasugatan ang kaliwa kong braso.


"Tanga."


"Pakyu oo ikaw na magaling! Sorry ha sorry---"


Mula sa likod nakaramdam ako ng kamay na dumantay sa balikat ko at sapilitang itinayo. Hindi ko mapigilang mapanganga dahil sa isang iglap bigla nalang nawala ang mga bubog na nakakalat sa harapan. "Teka ibig sabihin ikaw ang nagpatawag sa'kin?" Hindi ko mapigilang itanong kahit na mukhang obvious ang sagot pero ang tanong, bakit?


"Upo." Utos niya pero agad akong lumayo sa'kanya. Bigla naman nagtagis ang kanyang bagang kaya mas lalo akong lumayo.


"Bakit ka lumalayo?" Tanong niya sa malamig na tono.


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon