Thirty Four

280K 7.6K 2.3K
                                    

Aaliyah


Hindi nga pa pala ako nakakakain, bigla akong ginutom kaya napagpasyahan kong bumaba saglit. Malayo palang ako sa kusina may naririnig na akong mga boses, hindi ko masyadong marinig kung anong pinaguusapan nila hanggang sa makalapit ako sa pintuan at doon ko nakita si Kai na may hawak hawak na feeding bottle na akmang ibabato kay barko.


"Kangkong ka talaga! Pasalamat ka asawa kita, gago ka nga lang!"


Asawa?


Kailan pa naging mag-asawa 'tong dalawang 'to? Mukhang hindi pa nila napapansin ang presensya ko kaya bago pa maibato ni Kai yung hawak niya, nagsalita na ako.


"Mag asawa kayo?"


Nakita kong nanigas ang dalawa sa kinatatayuan nila at dahan-dahang napatingin sa'kin. Wala sa'kanila ang sumagot at nabalot ng katahimikan ang buong silid.


"Ano na? Kai? Ark?"


Tuluyan na akong pumasok at kumuha ng mangkok at cereal. Pumunta naman ako sa fridge para kumuha ng gatas. Pagkatapos kong mailagay yon sa bowl tumingin ulit ako sa'kanila.


"Hello? May kausap ba ako?"


"A-Aaliyahbabes..."


Sumubo ako ng cereal habang hinihintay kung anong sasabihin ni Kai. Alam ko na namang abnoy 'tong babaeng 'to pero nag aalala rin ako sa bruhang yan, nung panahon kasing buntis yan ako yung laging nasa tabi niyan habang wala yung gago niyang asawa.


"A-ano...eh...ano kasi---"


"Tama ka, ako nga asawa niya."


Muntik ko nang maibuga ang cereal sa bibig ko buti nalang nakapagpigil ako. Parehong nanlalaki ang mata namin ni Kai, ako dahil sa gulat siya naman dahil sa sinabi ni Ark.


"Ano?!"


Nang tuluyan na akong mahimasmasan ibinaling ko ang tingin ko kay Ark na prente lang at nakangiti sa'kin. Tusukin ko kaya 'to ng barbeque stick? Paano niya nagagawa maging prente kung mismo nila itong inilihim sa'kin? At isa pa nangako ako kay Kai na bubugbugin ko kung sino man yung ama ng anak niya.


Walang ano-ano'y ibinato ko ang kutsara sa kanyang direksyon, hindi na niya ito nagawang ilagan kaya tumama ito sa ilong niya.


"Men naman!"


"Gago ka! Asan ka nung ako ang pinaglilihian nang asawa mo?! Asan ka nung minassacre ni Kai yung tenga ko sa kakangawa?! Asan ka nung naghirap siya sa pagbubuntis?! Magkapatid nga kayo ni Ash!"


"Oy men wag mo naman ako itulad sa kapatid ko, mas gwapo ako---titigil na po."


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now