Thirty

328K 8.3K 2.4K
                                    

Aaliyah

My hands are shaking lalo na't naaaninag ko dito sa kinauupuan ko ang papalapit na si mama. Ash even noticed it too kaya hinawakan niya ang kamay ko then he gently squeezed it. Gusto kong hilain ang kamay ng dalawang 'to pero parang tinakasan na yata ako ng kaluluwa lalo na't sobrang lapit na niya sa kinauupuan namin.

Dahil nakatalikod si Ash sa gawi ni mama, nilingon niya ito saglit saka tumingin sa'kin at ngumiti.

"Relax."

"No..no...Ash si mama yan, hindi dapat niya makita si Ivo, Ash please!"

Hindi ako mapalagay dito sa kinauupuan ko, I'm trying to hide my face eventhough it's useless. Sinubukan ko rin hilain ang kamay ni Ash at Ivo pero malayo sa kinauupuan ko si Ivo at si Ash naman parang ayaw akong paalisin. Pinandilatan ko siya ng mata, namamawis na rin kamay ko.

Nakikita ko palang mukha ni mommy parang bumabalik lahat ng masasakit na salitang ibinato niya sa'kin. I was traumatized, as if I was hearing all those rude talks she threw me again.

Naramdaman ko nalang ang pag upo ni Ash sa tabi ko at inilagay niya sa kandungan ko si Ivo. Saktong tumigil sa harapan namin si mommy na gaya pa rin ng dati, nakataas ang kanyang kilay at ang mata niya ganoon pa rin, walang kabuhay buhay at tila ba kinikilatis ang buong pagkatao ko sa tingin palang niya. Lumunok ako lalo na't unang dumapo ang tingin niya kay Ivo na tahimik lang at sumusubo ng sushi. Oh please, wag sana siyang magskandalo ngayon.

Ngumisi siya sa'kin at tumingin kay Ash na bigla nalang tumayo. Anong gagawin niya?

"Excuse me, I'll just call something important."

Napaawang ang labi ko lalo na't umalis siya nang walang sabi sabi. Mas tumindi ngayon ang kaba ko lalo na't umupo si mama sa tabi ko. Kung noon pabango ang naamoy ko sa damit niya ngayon naman alak. Napatigil si Ivo sa ginagawa niya at nagtatakang tumingin kay mama.

"So this is your trash?" Sabi niya sabay turo kay Ivo. Muntik na akong mapanganga dahil 0sa sinabi niya. Hinaplos pa niya ang buhok ng anak ko sabay ngisi.

"So how's life? Basura na ba? Kapit sa patalim? Don't know you've been a prostitue, siguro nga customer mo yung lalaki kanina." Naginit bigla ang ulo ko sa sinabi niya. Akala ko nagbago na siya pero ngayon alam ko na, tuluyan na niya akong itinakwil. Tuluyan na siyang nalulong sa sugal at alak. Huminga ako ng malalim at umisod ng konti papalayo sa'kanya.

"Stay away from my son." Bigla nalang siya tumawa ng malakas kaya nakahakot kami ng atensyon ng iba. Pinunasan niya ang luha niya na lumabas dahil sa kakatawa at tumingin ulit sa'kin. Asan na ba kasi si Ash?

"Hey little boy don't you know I'm your fake lola? Because your mom is my fake daughter. Ampon sa madaling salitaan. Oh? Surprise Aaliyah? Sana nga noon ko pa yan sinabi."  Kung sa tingin niya nasaktan ako dahil sa sinabi niya, she's wrong. Mas gugustuhin ko pa na naging ampon lang pala ako kaysa sa maging anak ng isang baliw. Taas noo akong ngumisi sa'kanya, "No, I'm not surprise at all. Bakit ko naman gugustuhin ang isang ina na gustong gusto kumitil ng isang sanggol? B*tch you're a psycho."

Of coarse tinakpan ko tenga ni Ivo.

Pero nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang tinidor, galit ang kanyang muka, isasaksak sana niya 'yon sa'kin kaso may humablot sa braso niya kaya tumilapon ang tinidor. Tuluyan nang napunta sa'min lahat ng atensyon ng mga tao.

"Subukan mong saktan ang mag ina ko, hindi lang kompanya ang mawawala sa'yo."

"What the hell are you talking about?! Bitawan mo ako! Wala akong pake kung anak mo yan!"

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now