Six

386K 11.5K 2.9K
                                    

Aaliyah


Sunday. Walang pasok pero kailangan kong pumasok sa trabaho. Kailangan kong mag ipon para sa bagong bahay na titirahan namin.


"Weepee! Broom! Brooooom!"


Nakangiti kong nilapitan ang anak ko na busying busy sa paglalaro at pag momolesta sa buhok ni Cindy.


"Ma'am oh! Kanina pa pinagtritripan ng bubwit--este anak niyo 'tong mahaba kong hairlalu." Halos mangiyak-ngiyak na sumbong ni Cindy pero halos manlumo ang itsura niya ng makita niya rin akong nakikitawa.


"Enek nemen ng! Ivo, hindi spagghetti 'tong buhok ko! Hwag mong higupin--- aray! Hindi red 'tong buhok ko para magmukhang spagghetti sa paningin mo baby Ivooo!"


Napatawa na lamang ako dahil sa kakulitan nila. Halos mag a-apat na buwan ng yaya ni Ivo si Cindy kaya napalapit na rin ito sa kanya. Mayaman yang si Cindy pero naglayas dahil 17 years old palang daw siya ay pinipilit siyang ipakasal ng mama niya sa iba.


"Tignan mo si mader mo, gold ang buhok, mas mahaba at makintab. Bakit kaya siya nag wi-wig 'no?" Bulong ni Cindy kay Ivo na narinig ko naman.


"Ivo, come to mommy." Nakabukas ang dalawa kong braso na para bang i-hu-hug siya. Napahagikgik naman siya at wala pang isang kurap ay nasa harapan ko na siya. Uh-oh.


"Hala baby! A-ang bilis mo naman yatang tumakbo hehe?" Gulat at litong-lito si Cindy na nakatingin kay Ivo na MAS ikinagulat namin dahil sa pag ngisi nito.


Maya maya'y....


"OOOOOH SHET! Ang wafuuu mo baby! Come here babeh! Come to yaya pretty!"  Sa sobrang galak ni Ivo ay wala pa ni isang kurap ay nasa harapan siya agad ni Cindy na ngayo'y nakanganga ulit.


Jusko! Napasampal nalang ako sa noo.


****


"Hard drinks." I nodded then grabbed the hardest drink. Yup, bartending is my sideline job. Pero nilagyan ko muna 'yon ng iba pang pampalasa at pinaghalo-halo. Iaabot ko na sana sa 'kanya nang mapansin ko ang nakaumbok niyang tiyan.


Aabutin niya sana ang inumin pero inilayo ko 'to sa 'kanya. "Sorry po ma'am pero masama po 'to sa mga buntis." Ayon yan sa policy, aba'y dapat lang.


Nakita kong namumugto ang mga mata niya tapos namumula pa ang ilong pero kahit na ganon makikita mo pa rin na maganda siya.


"*sob* Kung iinumin ko ba yan, mamamatay 'tong bata sa sinapupunan ko?" Nakatulala lang siya habang hawak ang tiyan. Mabilis naman akong tumango.


"Delikado miss, lalo na't nag order pa kayo ng hard drinks."


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant