Twenty (Part Two)

315K 8.9K 1.2K
                                    

Aaliyah


BIPOLAR. One word to describe him everyday.


"Tama na yang bulung-bulungan hindi kayo bubuyog mga bampira kayo bwisit!" 


"Ma'am Rachel ang init naman po ng ulo niyo!" Student


"Ang dami kasing makakati dito." Rachel


"Tama! Gaya po ni Aaliyah!" Student


Napayuko ako, hindi dahil sa hiya kundi nagngi-ngitngit na ako sa galit. Nakarinig ako ng maraming tawanan kaya huminga muna ako ng malalim saka nag angat ng tingin. Kailangan kong magtimpi gaya ng dati, punyemas baka kung wala sina Ark dito kanina ko pa sinuntok yung babaeng papansin kanina.


"HAHAHA--ACK!" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko, bigla siyang napahawak sa leeg niya at tila ba kinakapos sa hangin. Bigla ko na naman naalala yung nangyari kina Ynna sa likod ng school, ganitong-ganito rin yung nang-yari kaya agad akong napatingin kay Ash. Nakangisi lang siya at medyo pansin ko rin ang tattoo niya na namumuo sa kaliwa niyang kamay bumalik na naman yung takot na naramdaman ko sa'kanya dati. Ito na yung pangalawang pagkakataon na nakita ko siyang ganito.


"Please stop! Ack!"


Pati si Rachel nababahala na rin, sinubukan niyang patigilin si Ash pero nakakapagtaka dahil hindi siya makalapit dito, para bang may malakas na pwersa na humaharang sa'kanya. Tinignan ko si Ark, ganun din hindi rin makalapit-lapit. Bigla nalang tumingin sa'kin si Rachel, she mouthed the words stop him.


Kung sila nga hindi makalapit ako pa kaya? Mga baliw talaga. Umiling nalang ako pero pati si Ark nakisang-ayon din, tinignan ko yung babaeng mukhang malapit ng malagutan ng hininga kaya wala akong nagawa kundi tumayo at lumapit sa'kanya. Akala ko mahaharangan din ako pero nakakapagtaka dahil konting hakbang nalang malapit na ako sa'kanya. Wala na akong inaksayang oras at ginawa ang kailangan kong gawin.


*POINK*


Bigla siyang napatigil at tumingin sa'kin ng napakasama. "What the fvck did you do babe?!" Hinimas niya ang noo niya na kakapitik ko lang. Kasabay naman 'non ang paghingal nung babae, rinig na rinig sa buong court ang pagsinghap niya habang hawak hawak pa rin niya ang kanyang leeg. 


"Mapapatay mo na po yung tao--bampira Mr. Reagan, I guess I just did the right thing." Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin saka naiinis na umiling, bigla nalang siya umalis pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin namin narinig ulit namin siyang nagsalita.


"That is warning sign for you Miss, one more time then I'll kill you."


Mistulan kaming nanlamig sa sinabi niya, yung mga babaeng kanina pa nagbibigay sa'kin ng matatalim na tingin ngayon naman halos hindi na nila magawang tumingin sa'kin. Na-aawkwardan ako sa ganito, ayoko silang mag isip ng kung ano-ano kaya gumawa ako ng napaka awkward na rason. "Guys pasensya na, what he said a while ago wasn't true, I'm not his babe ginagawa niya lang 'yon because uhm because they made a dare? I mean they came up with a dare, right Mr. Ark? I accidentally eavesdrop on your conversation a while ago, sorry." Pinanlakihan ko ng mata si Ark na nakanganga lang, agad naman siyang tumango pero alinlangan. "Y-Yeah men este Ms. Aaliyah." 

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now