Eleven

330K 10.4K 1K
                                    

Aaliyah


Pauwi na kami pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Nakakakilabot isipin ang mga hitsura nila.


Si Ash naman kanina pa tahimik habang nagmamaneho, minsan nahuhuli ko siyang nakakunot ang noo. Siguro malalim ang iniisip niya ngayon.


Nakasandal lang ako sa salamin ng sasakyan habang nakadungaw sa labas. Pansin ko lang mukhang ibang ruta na ang dinadaanan namin at hindi ito pabalik sa bahay nila Kai.


"Psst, naliligaw ba tayo?"


Hindi niya ako sinagot at patuloy lamang siya sa pagmamaneho. Hindi ko na nalang pinansin dahil hinihila na ako ng antok.


****


"Wake up." May pumitik sa noo ko. Aray naman!


"Sleepy head, wake up." Tapos pinitik niya ulit ako sa noo, yung mas masakit na. Humanda talaga kung sino man 'tong namimitik na 'to.


Iminulat ko ang mata ko pero saktong pagmulat ko ng mata ko napitikan ulit ako sa noo.


"Aray! Gag---" Hindi pa ako tuluyang nakakamura napitikan na naman ako. Huhu kawawa noo ko neto.


"Sige magmura ka pa." Nakangisi na siya ngayon pero nakakapagtaka dahil biglang humaba ang pangil niya. Teka-- hindi naman siya siguro uhaw 'no? Kalma Aaliyah, malakas lang trip ng bampirang nasa harap mo. Tinatakot ka lang niyan.


"Asan tayo?" Puro puno ang nakikita ko sa paligid tapos yung ilaw galing sa sasakyan lang ang nagbibigay liwanag.


"I can't drive you home this time." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko naman.


"Huwag ka ngang mantrip."


"Do I look like I'm joking?"


Tinignan ko ang mukha niya, wala siyang kaemo-emosyon pero may napansin ako. Mukha siyang pagod at nanghihina.


"Please naman oh, my family is waiting for me." Probably my son is looking for me.


I heard him sigh tapos tumingin siya sa langit. Nawala na rin yung pangil niya kanina.


"Alright, I'll take you home." Ako lang ba o mukha siyang namamaos?


Nauna na siyang pumasok sa sasakyan, pero nakatayo pa rin ako sa labas. Parang may mali. Iba 'tong kutob ko ngayon.


Nakita kong ibinaba niya ang salamin ng sasakyan at nakakunot na nakatingin sa 'kin.


Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now