One

470K 13.5K 3.7K
                                    

[Edited 9/17/16]

Aaliyah


Kung sa tingin niyo sa Elementary at High school lang  may bullies, pwes meron din si college, mas malala pa nga. Di na nagmature pero ano pa nga ba laban ko? Inayos ko na lamang ang wig ko na muntik nang mahulog dahil sa pagkakasabunot sa akin kanina.


"Oh! Andito na pala ang kalandian ng professor natin! Napaaga ka yata kabit-ni-sir-Greg?" Nag tawanan sila at marami ring mga chismosa ang nakitawa. "Hindi totoo yang pinagsasabi niyo." I said in a low voice. Syempre kung may bully, may binubully at ako 'yon. 

"Oh anong pinaglalaban mo? May gana ka pang sumagot sagot ngayon? Huh?" I mentally rolled my eyes, matapang naman talaga ako pero sa dami nilang nambubully mukang di ko kakayanin. Magkakaroon sana ulit ng riot kaso biglang sumulpot ang guidance counselor namin.

"Ms. Catores itigil mo na yan! Ke-aga aga nagsisimula ka na naman! Magsisimula na ang flag ceremony, ano pang ginagawa niyo dito?" Napairap sila at tinapunan ako ng masamang tingin saka sila nagmarcha papaalis. Wala akong nagawa kundi sumunod pero nasa entrance palang ako ng gym nang makaramdam ako ng malapot at mabahong tumig.

Nasa akin na ang atensyon nilang lahat, maraming tao sa gym at ngayon ay nakatingin silang lahat sakin. 

"Miss! Sayang yang damit mo, hubarin mo na!"

"Aww, someone's gaining our attention!"

"Shit galing yan sa kanal ng school diba? Gross!"

"Ang landi, grabe! Pagkatapos ni Steve, si sir Greg naman? Yucks." 

Mabilis akong tumalikod at dali daling kumuha ng extra clothes at nagpunta sa shower room. Bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. 


"F you Steve. F you to the moon and back."  Siya talaga ang pinaka rason kung bakit ako ginaganito ngayon.


Isa siya sa pinakasikat na studyante dito sa school dahil siya kuno yung ideal boyfriend ng lahat, pero nagkakamali sila, nasa loob lang ang kulo niya. Looks can deceive you to the core.


Naging kami pero di rin nagtagal dahil inakusahan niya ako na lumalandi sa professor namin and God knows na sinisiraan niya ako sa isang bagay na hindi naman.


At malalaman ko nalang na naging sila ng kumaibigan saakin na si Ms. Contero. Funny isn't it? Kinaibigan niya ako para mapansin siya ni Steve at ayon, pumatol nga ang gago. Iwinaksi ko nalang ang ulo ko dahil ayoko ulit isipin ang pagmumuka ng hayop na yon.


"Naman! Kailangan ko pang patuyuin 'tong wig ko." Nagpunta ako sa dorm ko at tinanggal ang basang wig.


"Baby?" Where is he?


"Ivo? Mommy's here." Jusko! Asan na 'yong batang 'yon? Nagpatuyo muna ako saglit saka pumunta sa kusina.


"Momma I'm thirsty!" His innocent bloody eyes was staring at me. Nakalabas na rin ang pangil niya at halos sumayad na ang nguso niya sa sahig. No, I'm not scared of my baby. He's just too d*mn adorable! 

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon