Fourteen

320K 9.2K 1.6K
                                    

Aaliyah


"May iba ka bang kasama dito Lopez?"


"Wala--fck!"


Hindi pa ako nakakakurap nasa tapat na agad siya sa kwarto namin ni Ivo kaya mabilis ko siyang sinundan at hinawakan sa braso.


"Hoy! You're invading my privacy!" Kulang nalang yakapin ko yung pinto para hindi siya makapasok. Hindi, hindi dapat niya makita si Ivo. It will make things more complicated.


"Why? May itinatago ka ba sa loob ng kwartong yan?" Muntik na akong mapamura sa sinabi niya. Think faster Aaliyah! Argh bahala na.


"Bakit? May problema ka doon? Alis na kasi sabi!" Mas lalo atang sumama ang timpla ng mukha niya at walang sabi sabi na binuhat niya ako na parang bigas at doon na siya tuluyang nakapasok. Oh hell no!


"Put me down!" Halos maubos na ang lakas ko kakasigaw pero talagang wala siyang pake.


"This room doesn't even look suspicious like what I saw in your face a while ago."


Anong pinagsasabi niya?


"Teka, pwede ba ibaba mo muna ako?" Mas lalo akong nainis dahil imbes na ibaba niya ako, inihagis niya ako sa kama. What the fact!


I roamed my eyes around at kulang nalang panlamigan ako nang makita kong nawawala ang anak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi siya nakita ni Ivo o matatakot dahil hindi ko alam kung asan siya nagpunta.


"You look so surprised as fck, damn it! I can't even read your thoughts."


Sinubukan kong kumalma at baka mas lalo niya akong pagsuspetsyahan.


"Everything is perfectly fine ikaw lang talaga ang bigla biglang pumasok." Inirapan ko siya at dali daling tumayo. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hatakin at hinila papuntang basement nang hotel.


"Saan mo na naman ako dadalhin?"


"I told you, you'll be transferring."


Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla niyang paandarin ng mabilis ang sasakyan. Sht does he know the word slow down?!


Gustuhin ko man siyang sumbatan pero mukha yatang babaliktad sikmura ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Halos hindi ko na nga alam kung ano 'tong daan na hinahatak namin at isa pa masyadong malamig ngayon dahil ang aga-aga.


Pagkalipas ng mahigit 30 minutos na byahe huminto kami sa pamilyar na gate na may tatak na Reagan Academy. As soon as I stepped out the car, halos matumba ako sa sobrang pagkahilo. Dinaig ko pa ang may morning sickness sa lagay ko ngayon.


"You're such a jerk, just tell me if you really have plan on killing me." Singhal ko sa kanya but he just smirked at bigla nalang siya napunta sa harap ko, yumuko siya para mapantayan ang height ko. Ano na naman ba balak niya?

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now