Round 30

8.8K 296 27
                                    

Chapter 30

AN: Unedited chapter. Pasesyahan na yung errors. edit ko nalang next time.

~*~


Yvonne POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at isang puting kisame agad ang bumungad sakin.

"Oh God! Sweety, you're awake"

Igagalaw ko na sana ang ulo ko para tignan ang nagsalita pero hindi ko nagawa. May cervical collar sa leeg ko kaya hindi ko matignan ang nagsalita.

Pero nakita ko lang na si Mami ang nagsalita nang lumapit siya sakin. Halatang galing sa pag-iyak si Mami at medyo naluluha na naman ang mata niya.

"M-mami..." I said.

"Shhh...magiging okay ka rin ah. God. We miss you so much, sweety" she said and kissed my forehead.

Pilit kong inalala kung bakit nga ba ako andito sa sitwasyong to na ni paa ko hindi ko maigalaw. Kaya sumakit lang ang ulo ko nang alalahanin ko pero naalala ko ang racing.

Racing namin ni Angel.

Hindi ako makabreak nun.

At yun lang ang huling naalala ko.

"Hi Yvonne!" Napatingin ako sa isa pang nagsalita at nakita ko sa may kaliwa ko sina Zake at Charles.

"Ilang araw na ako dito?" I asked.

"Two days ka lang naman natulog Yvonne." Sagot ni Zake.

"Bakit ako napunta dito?" Tanong ko.

Sasagot pa sana si Zake pero naunahan siya ni Mami.

"Naaksidente ka't mabuti nalang at may nagdala sayo dito, anak."

"Where's Dadi" I asked.

"May inasikaso lang. Pero papunta na yun dito" Sagot ni Mami.

After akong tignan ng doctor, kinwentuhan lang nila ako nung mga nangyari while tulog ako. Si Zake kahit walang connect sakin kinekwento parin. Langya! Pake ko ba sa kanya?! Tas itong si Charles tango lang ng tango. Para lang siyang display dito. Si Mami at Zake ang maingay sa room ko.

Pansin ko ring hindi binabanggit ni Zake ang tungkol sa racing. Eh madaldal to kaya malamang naikwento na niya sakin pero mukhang iniiwasan lang nilang banggitin ang tungkol dun.

At speaking of the racing, naalala ko na naman yun. Akala ko talaga katapusan ko na nun. Hanggang ngayon nga, kinakabahan pa rin ako.

Nang saglit lumabas sila Zake at Charles. Doon na ako umamin kay Mami. Nagsorry ako dahil sa pagtakas ko nung gabing yun at nakipag illegal racing. At habang nagsosorry ako, humahagulgol ako ng iyak. Hindi ko kasi mapigilang hindi umiyak tuwing umaamin.

"I'm sorry talaga Mami. Hindi ko na uulitin yun" Nag-unahan parin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Shhhh...sweety. I know... I know. And I'm glad na inamin mo. Alam na namin ng Dadi mo ang nangyari eh. Your friend Charles explained everything to us. At ang mahalaga ngayon ay ligtas ka. Okay?" Mami hugged me pagkatapos sabihin yun.

May pumasok naman bigla sa pinto at nakita ko si Dadi. May kasama siyang doctor at ang nasa likod ng doctor ay walang iba kundi si Richard. Simple lang ang suot ni Gorilla ngayon. Red checkered polo and black jeans.

Panget Vs. GwapoWhere stories live. Discover now