Round 38

7.8K 227 27
                                    

Chapter 38

Dedicated to @Fat-wreck salamat sa mga corrections. I really appreciate it. Minsan comment mo ang hinihintay ko. hihihi. Thanks.

~*~



Daddy niya.

Daddy ni Gorilla.

Tama ba yung nakita ko? O namalik mata lang ako?

I think they're doing some business.

Pero ayon sa research ko, isang wine company ang hinahawakan nang daddy ni gorilla. How could they talk business kung nasa fashion industry ang Mami ko?

Bakit sila magkasama? Baka si Mami ang gagawa ng outfit ng model sa company ni Mr. Morton. Tama. Balita ko may bago silang product. Tama nga.

But are they friends? Close friends? Or mutual friend lang sa facebook?

Kating-kati ang dila ko na magtanong kay Mami at Dadi.

Speaking of my parents.

They only talk less. Walang kulitang nangyayari. Walang balik teenager na nagaganap.

I'm trying to think positive. Baka fan lang ni Mami si Mr. Morton. Oh baka may plano sila sa pagmmerge nang company nila. At para mangyari yun, kailangan naming magpakasal ni Gorilla at bumuo ng zoo--! Teka naman. Ba't nasali si Gorilla?

Wag ko na nga lang isipin yun.

Maeestress lang tong pimples ko.

Balik muna ako sa problema ko. Sa sarili kong problema. Pakshet! Nagtataka talaga ako minsan kung bakit ba ako pumapayag kay Kulangot. Engot lang ata ang papatol sa sira ulong yun. Pero ano nga ba ang pinagkaiba ko ngayon sa engot? Pumayag ako.

Para kanino?

Walang iba kundi dahil kay Richard Felix Morton. Ang gorilla kong mainitin ang ulo. Para sa pesteng wallet niya.

"Panget, space out ka ata? Natatae ka ba?"

Sinamaan ko agad nang tingin si Secret. Bigla nalang kasing dadating at mang-aasar.

"Ayos ka lang, panget? May banyo dun oh" sabi niya sabay turo.

"tsk!" inirapan ko lang siya.

"Wow. Himala at hindi ka ata nangbabara ngayon." nakangising sabi niya.

Napaiwas naman ako nang tingin.

Hindi ko alam. Nakakapagod rin kasing mag-isip nang pambara. Bukas nalang. Pahinga muna ang pimples kong naestress kanina dahil sa langyang practice. Hayop ang Zake Walter na yun. Walang awa. Hindi ako pinagpapahinga eh. Mukhang hindi lang ata ako ang may malalim na iniisip ngayon ah.

"Alis na ako. Wala ka namang magandang sinasabi jan." I said saka inayos na yung locker ko at naglakad na paalis.

"Huy. Saan ka pupunta? Pinapasabi ni Richard na wag kang umalis dito." pahabol niya pero hindi ko na siya pinansin.

Bahala si gorilla jan. Magsama sila ni Secret.

I mean bahala siyang magalit ulit. Wala akong pake! Saka hindi sila bagay ni Secret na magsama.

"Saan ko naman hahanapin yun?" daldal ko.

Nilibot ko na ang buong campus pero wala akong nakitang Zake. Siguro andun na naman siya sa bar kasama ang mga babae niya. Aish!

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon