Round 19

9.4K 358 64
                                    

Chapter 19

~*~

Yvonne POV

"Ohh..you're here, Yvonne"

"Wala ka bang ibang masabi?!" mataray na sabi ko. Andito kasi ako sa bahay ng reyna ng mga kulangot. Susubukan kong kausapin to kahit kasing tigas ng kulangot na nalagay sa freezer ang bungo niya.

"Ohh. Actually, meron..ASWANG KA BA?! GABING-GABI NA! BINUBULABOG MO PA ANG BEAUTY SLEEP KO!"

See? Lumabas rin ang pagiging palengkera niya. Halata namang nagpipigil lang siya kanina. Knowing this evil creature. Mas masama ang ugali nito kaysa sa'kin. Pero sadyang mas matalino lang ako kaya naiisahan ko siya.

"Hindi ko binubulabog ang sleep mo kasi wala ka namang beauty. Pero gusto kong sabihin na itigil. mo. na. ang. kahibangan. mo. Kung ayaw mong pukpokin ko yang kulangot mo!"

"Yvonne, yvonne...Are you jealous?" She asked.

"I'm not! I just want you to stop this dahil slave KO ang binabangga mo! Saka ibalik mo na rin ang wallet niya. Wag mo na siyang iblackmail para pumayag siya." I said.

"It's my father's desicion, Yvonne. Not mine."

"Anong tingin mo sa'kin, tanga? Para maniwala sa kasinungalingan mo?! Damn you, Angel!" I said with gritted teeth.

Sumeryoso naman ang mukha niya.

Alam na niyang seryoso ako dahil tinawag ko na ang pangalan niya.

"You know what? Just get lost. Wala ka nang magagawa sa plano ni Daddy. Maniwala ka man o hindi. It wasn't my plan"

"I'll make sure you'll not win this time. Itaga mo yan sa lahat ng kulangot mo." I said then walked away.

Hindi ibig sabihin na tumalikod na ako, tapos na. I'm not yet done. Sa isang Yvonne Fortez, hindi uso ang sukuan.

-*-

"Class, next week will be your exam. So start scanning your notes okay? God bless"

We bid goodbye to our advicer. Ang advicer lang ata namin ang hindi ko pa nasasagot-sagot. Aaminin kong, nahihiya ako sa kanya. She have this sophistacated aura na parang pupunta lagi sa isang party. Para siyang si amor powers. Kaya like ko siya kahit papano.

"Hoy! Salamin! Notes mo." Sabi ko sa isang kaklase kong babae na may makapal na salamin.

Kahit naman siguro ganito ako kacareless tignan sa klase, marunong rin akong magreview no. Hindi ako basta basta nalang umaasa sa maling sagot ng katabi ko. Kaya manghihiram ako ng notes para ipacopy paste kay Gorilla. Ang swerte niya naman kung ako ang magsusulat. Anong silbi ng slave ko?

Nang matanggap ko ang notes na ginawa niya, naramdaman ko nalang ang pagvibrate ng phone ko sa loob ng bulsa ng palda ko.

Kumunot naman ang noo ko nang mabasa ang nilalaman ng text.

'It's Angel..kung gusto mong hindi matuloy ang kasal namin. Magkita tayo sa labas ng school ko. I'm waiting...tik tok tik tok. Faster.! Baka magbago ang isip ko'

Watda fish! Alam ba ng bruhang to kung gaano kalayo ang school niya sa school ko? Plus traffic sa daan! Aabutin ako ng pasko nito. Pero bahala na!

I run as fast as I can to reach the parking area. Andun si manong driver dahil palagi ko na siyang pinaghihintay dito. In case of emergency katulad ngayon! Hay buhay!

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon