Round 13

11.2K 429 74
                                    

Chapter 13

AN: Hindi ko pa naeedit ang chapter na to. So kung may makita man kayong error. Kindly laugh at it. Joke! Paki-inform nalang ako. Ang sakit kasi ng ulo ko para iedit pa yan eh. Kaya kayo nalang ang magsabi sa'kin. Yan ang utos ni kuya. Haha. Joke. Pero anyway. Enjoy! May clue na dito about sa plano ni Richard my labs!

Btw, I dedicate this chapter to @rcdelfierro. So, if you want a dedication, comment down below. And I'll grant your wish. Hehe. Ayoko namang magdedicate nalang basta no.

~*~

"Fvck"

"Motherfvcker"

"Shhhtt"


Ang bbad nila no? Puro sila cussed. Eh hindi naman sila masyadong nakikilala dahil sa make up nila. Pero...mukhang ang mga malalabo lang ata ang mata ang hindi nakakakilala sa kanila. Pff.!

Nakakatawa ang itsura nila, bes!

Kasalukuyan kaming rumarampa sa hallway. At ang mga studyante dito na nganga ang audience. May ibang gustong matawa pero pinipigilan lang dahil sa sama ng tingin ng tatlo. Pati si Zake, ngayon ko lang nakitang nagseryoso. Pff..!

"Excuse me, walang kukuha ng pictures!" Si Secret ang tagasigaw ko.


Sakto kasing nakasalubong namin siya at halos malaglag ang panga niya nung makita ang tatlo. Ang talino ko talaga no? Ang mga mayayabang na lalaking to, ngayon mukha nang diyosa. Pff.!

Ang iikli pa ng dress nila. Pero okay lang. Nashave na naman ang mga feathers nila sa paa.

"Break time natin ngayon. Dumiretso nalang tayo sa cafeteria" Secret.

"Are you out of your fvcking mind?! Mas maraming tao dun!" Bulyaw ni Zake kay Secret.

Nagsmirk lang ang bruha.

"Mauuna na ako. Aabutin tayo ng dismissal nito. Ang bagal niyong maglakad." Secret.

"Tsk. Eh kung siya kaya ang ipaglakad ko ng naka-wedge" Inis na bulong ni Zake.

"Double time tayo sa paglalakad, guys. Sinusulit niyo talaga ang pagrampa ha. Kung flat nalang kasi yung pinili ko. Nakarating na sana tayo" I said saka tumingin kay flat at binigyan siya ng isang meaningful look.

But he just rolled his eyes heavenwards. Ang bading talaga nito!

Pagkatapos ng isang araw, nakarating na rin kami sa caferteria. At halos tumigil ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa nang makita ang tatlong diyosa sa likod ko. Kami lang ata ang kumikilos ng mga oras na to.

We headed our way to their private table kung saan nakahintay si Secret.

"Akala ko bukas pa kayo dadating" salubong niya.

Naupo na kaming lahat. Si Secret ang nasa left ko at si Richard naman sa right. Ang dalawang mokong naman ay nasa harap namin.

"Richie, ibili mo ko ng burger na walang lason, fries na walang lason at softdrinks na walang lason. Oki?" I even wink at him.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon