Round 25

10.1K 323 41
                                    

Chapter 25

This chapter is dedicated to @michieee. Thanks for being a friend. Hope you'll support this 'till the end.

~*~



Yvonne POV

"Seriously?!" She asked me in disbelief while nakatingin sa bed sheet na nakalatag sa sahig malapit sa kama ko dito sa sarili kong room. Pinahanda ko to sa isa sa mga katulong namin while kumakain kami sa dining.

Pero nakakaasar na talaga tong Secret na to. Bigla nalang sisigaw eh magkatabi lang kami.

"Dito mo ko ipapatulog?" She asked.

Binatukan ko siya. Eh alangan namang ako sa sahig at siya sa kama. Saya niya!

"I--I mean. Dito sa sahig ng kwarto mo? Akala ko sa labas mo ko ipapatulog eh" dagdag niya habang hinihimas ang batok niya.

"Nagssuggest ka? Kung gusto mo, dun ka sa labas" sarcastic na sabi ko.

"Hindi. Pwede na dito" sabi niya at nagtungo sa matutulugan niya.

"Ang lambot ng bed sheet ah." She said.

"Sige. Ipapakuha kita ng bakal na higaan ah" pambabara ko sa kanya.

Inirapan ko lang siya at ganun din siya sakin. Sabay na kaming nahiga matapos nun.

May mga guest room naman kami pero gusto ko lang talaga siyang ipatulog sa sahig.

Kung hindi lang siguro si Charles ang pumilit sakin na dito ipatulog si Secret, baka wala to dito ngayon. Kung hindi ko raw kasi ipatuloy si Secret dito, dadalhin nalang daw niya sa bahay niya. Eh anak ng bahay yan!! No way! Dito nalang sakin si Secret. Baka maenvelop pa sila sa isa't isa.

"Yvonne..." tawag sakin ni Sekreto.

"What?" Tipid kong sagot.

"Ang ganda ng mommy mo. Ang swerte mo dahil may perfect family ka" nang sabihin niya yun, napagulong agad ako sa kama at tinignan siya sa baba. Then there, I saw her holding my family's picture frame.

"Ba't nangingialam ka?" Sabi ko at hinablot ang frame saka maayos na binalik sa kinalalagyan nito sa side table.

"Sorry..." sagot naman niya kaya nagtataka ako kung bakit mukhang matamlay siya.

"May problema ka bang bruha ka?"

Napatingin siya sakin nang sabihin ko yun.

"Wala." Tipid na sagot niya.

Hindi na ako sumagot.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Alam mo ba yung feeling na sayo nilalabas yung galit niya sa ibang tao?" Napatigil siya saglit "Ayos lang sana kung ganito karangya ang buhay ko. Pero kung letche pa yung buhay ko tas letche rin yung taong nasa tabi ko..." Sabi niya.

"Letche na kayong lahat" sabi ko.

"Tumahimik ka nga kung wala ka namang magandang masabi"

"Hindi nga ako maganda, yung sasabihin ko pa kaya?" Sarcastic kong sagot.

Napairap naman siya.

"Hindi ko alam yung feeling na yun, Secret eh. Pero kung pakiramdam mo ang malas mo na dahil dun, nagkakamali ka. May kanya-kanya kaya tayong fight sa mundo."

Panget Vs. GwapoWhere stories live. Discover now