Round 11

11.8K 448 75
                                    

Chapter 11

~*~

"Cheeeerrss!!" Sabi ko saka tinaas ang baso ng beer na hawak ko.

Matamlay naman silang apat na nakipagcheers sa'kin. Andito kami sa isang exclusive club na pagmamay-ari ng parents ni Zake. Nasa isang room kami na may karaoke pero medyo rinig pa rin ang maingay na music sa labas.

Kasama ko si Secret na poker face lang.

At first, walang sumusubok kumanta. Pero pagkatapos ng ilang shots, ayun naunang bumirit si Charles. Siya pala ang mahina sa mga alcoholic beverages. Sumunod naman si Richard. Mukha silang mga laos na dancer.

Ang panget kumembot. Yaks!

Kanta lang naman sana ang gagawin pero hindi ko alam kung bakit sila sumasayaw na parang ewan.

Si Zake naman todo cheer sa kanilang dalawa. Hanggang sa humilata na siya sa couch. Hindi na ata kayang tumayo dahil sa kalasingan.

Kaming dalawa naman ni Secret, todo evil smile tuwing napapasulyap kami sa isa't isa. Alam kong may masama rin itong pinaplano eh.

Bahagya naman akong napahiyaw nang may maramdaman akong kamay sa legs ko. And when I look down, si Zake pala. Paround shape kasi ang couch na may round table sa gitna. At si Zake, bigla nalang nanghihimas ng legs.

"Ganyan siya malasing. Nanggagapang." Secret said seriously.

"Tsk. Kadiri!" Sinipa ko siya at ayun nakatulog na.

Itinuon ko nalang ang attensyon ko sa dalawa na pakembot kembot sumayaw. Then I took my mobile phone saka kinuhanan ng video ang pinaggagawa nila. Mas maganda sana kung andun rin si Zake pero bahala na.

Gagawin ko tong pangblack mail kapag hindi sila sumunod sa utos ko. Take note, SILA. Walang exempted. Ganyan naman dapat ang magkakaibigan, laging damay damay.

Nang mawalan na sila ng malay, iniwan na namin sila ni Secret. I just leave a note na nagsasabing "Sunduin niyo ko bukas ng maaga." Saka si Secret, hindi rin nagpahuli. Akala ko kung gaano kaganda ang plano niya, yun pala guguhitan lang pala niya ang mga mukha ng tatlo. Masyadong lame. Di tulad ko. Habang wala silang malay, nilagyan ko nang mga sili ang bibig nila. Tignan natin kung makakapagsalita to bukas.

Wala rin akong pake kung anong mangyari sa mga yun nang iwan namin. Though, pagmamay-ari naman ng pamilya ni Zake ang club na yun kaya alam kong makakauwi ang mga yun ng buhay.

-*-

Maaga akong gumising at nakita ko pang nabigla sina mami at dadi. Usually kasi, tanghali na ako gumising kahit pasukan. Para na akong college umasta. Psh. Wala akong pake.

Pero nagtanghali nalang, walang ni anino nina Richard ang dumating sa bahay. Sinabi ko pa naman kay dadi na may susundo sa'kin kaya hindi na niya ako hinatid. Aish. Kung alam ko lang na gawa pala sa adobe ang utak nun. Aish!

Kinuha ko ang phone ko saka tumawag kay Secret.

"Hey" she said.

"Secret! Saan ang lungga ng tatlong yun?!! Tell me or I'll cut your throat!" I said.

"Hindi ko alam! Pero may condo unit silang tatlo. Try mo nalang puntahan. Hahaha! Sabi ko naman kasi sayo hindi sila susu--*tot tot tot*"

Hindi ko na siya pinatapos. Nakakairita. Sesermonan pa ako kitang nababadtrip na ako.

I hurriedly went to their unit pagkatapos itext sa'kin ni Secret ang address. Sabi niya dun daw sila madalas matulog kapag pasukan. Kaya siguro lagi silang magkasabay pumasok. Pero minsan umuuwi daw sa bahay nila si Richard. Pero wala naman akong pake! Bakit ko nga ba naikwento sa inyo?! Tsk.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon