Round 23

10K 351 54
                                    

Chapter 23

AN: Dedicated to kay @ajimathree. Salamat sa book cover! I really really appreciate it. Pers tym ko rin kasing magawan ng book cover. hehe. Ang gwapo ni V! <3

~*~

Zake POV

"Tol, saan tayo makakakita ng pusa dito sa subdivision niyo?" I asked.

Kanina pa kasi kami palakad-lakad pero wala naman kaming nakikitang pusa. Baka nga natigok na si Yvonne dun eh. May pakealam parin ako kay Yvonne ah. Kanina nga, pinipigilan kong humagalpak ng tawa dahil sa pinagsasabi niya.

"May mahahanap rin tayo"

Ang tindi rin ng tyaga nitong si Richard ah.

"Tumawag nalang tayo ng pusa!" I said.

" At paano?" Tanong ni Charles.

"Ganito..meow..! Meow! Meo--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang batukan ako ni Richard.

"Hindi ka nakakatulong." Seryoso niyang sabi at tumingin sa ibang direksyon.

Tsk. Lagi nalang ba akong walang silbi dito? Sabagay, gwapo naman eh. Ang silbi lang talaga ng mga gwapong katulad ko, hinahabol lang ng mga naggagandahang babae. Wala akong magagawa dun. Kapalaran ko yun.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Baka lalabas lang siguro kami ng subdivision at tuluyan nang iwan si Yvonne. Pff. Kawawang Yvonne. Tigok na yun for sure.

Joke lang.

"Meow...meow..." sinamaan ako nang tingin ng dalawa.

"Malay niyo..?" I said then shrugged.

They both rolled their eyes at hindi na ako pinansin.

Busy ako sa pagmeow meow habang sila, naglalakad lang. Wala naman silang ginagawa eh. Saka buti nalang nakakain ako ng kunti kanina. Haha! Kundi baka nauna pa akong mamatay kaysa kay Yvonne.

Ilang sandali pa ay may narinig kaming tumatahol este--! Ano bang tawag sa sound effect ng pusa. Yung meow meow. Tahol? Eh aso yun eh! Asar!

"Narinig niyo yun? Effective!" Proud na sabi ko sa kanila.

They just shrugged at sabay kaming pumunta sa pinanggagalingan ng ingay. At nakarating kami sa isang bahay.

Nakita naman agad namin ang pusang tumatahol. Jowk! Pusang may sound effect. Kulay puti siya at sobrang kapal ng balahibo niya. Kasing cute ng mukha ko ang pusa pero sa totoo, mas cute talaga ako.

"See? It's a cat!" Sabi ko.

Nagdoorbell kami para magpaalam na hihiramin muna namin ang pusa pero mukhang wala namang tao sa malaking bahay. Siguro pati mga katulong, nakipagbonding rin sa amo.

Tinawag nalang nilang dalawa ang pusa. At guess what kung paano nila tinawag? Pff. Hindi ko sasabihin. Baka madiscourage kayo sa dalawa at sa akin na mapunta ang attensyon niyo. Naawa rin ako sa friends ko. Mawawalan sila ng fans.

Pero traydor akong kaibigan eh.

"Ming ming ming shweehweshwe.." Si Charles yan. Tinawag ba namang Ming at shweshweshwe ang pusa? Eh mukhang hindi naman tagabukid ang pusang to para makinig sa kanya.

"Pssstt! Pusha! Lapit! Fvck! Lapit!" Si Richard naman minura pa. Kaya ayun, napaatras tuloy yung pusa.

Nairita na silang dalawa dahil hindi lumalabas sa gate ang pusa. Nakatingin lang samin na parang nang-iinis dahil bigla itong aabante na parang lalapit at aatras na naman. Anak ng pushang gala!

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon