Round 59

5.8K 172 55
                                    

Chapter 59

~*~

Secret POV

"Panget, ang galing mo kanina!" hindi ko mapigilang magpunta dito sa backstage. May access ako dahil kay Charles eh.

"Hindi pa tapos bruha! Kala mo naman nanalo na" mataray na sabi niya.

"Para sa amin, panalo ka na."

Bigla siyang huminga ng malalim.

"Kinakabahan ako sa question and answer portion" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Ang lamig lamig na ng kamay niya.

Ngumiti naman ako.

"Kaya mo yan, panget" sabi ko.

"Ikaw si uglyios and fabulous Yvonne Kate Fortez. Patunayan mo yun ngayon..."

"Ihampas mo sa pagmumukha ng Angel na yun ang korona mo" dagdag ko

"Psh! Pinapagaan mo lang loob ko"

Hindi na kami nagkausap nang tawagin siya ng make up artist niya. Bawal na ako dun eh kaya bumalik na ako sa pwesto ko.

Matapos ang ilang minuto, nagsimula na. Lumabas na yung top 5.

Hindi ko alam pero kinakabahan rin ako.

Pangarap ko ring sumali sa mga ganito pero dahil mababa ang self-confidence ko, di bale na lang.

Tignan mo nga, hindi ako yung rarampa sa harap pero ako yung kinakabahan para sa kanila. Baka bigla silang maout balance sa suot nilang stilettos o baka maapakan nila yung gown nila habang naglalakad. Pero alam ko namang alam nila ang mga bagay na yan. Ako lang ang praning dito.

Nung matapos sumagot ang unang candidate si Angel ang sumunod.

Hindi ako kinakabahan sa gagang to. Gusto ko ngang mapahiya siya eh. Gusto kong marinig na nabulol siya. Hahahaha! Ang sama ko. Pero yun ang totoo.

"For candidate number 6. This is your question." sabi ng emcee na sinundan ng sound effects na nakakakaba.

"How would you describe your own personality?"

Napasmirk naman ako.

It took seconds bago siya sumagot.

"I'm.. an optimistic individual and... also a simple person who wants success and achieve my goals. My goals have hindrances but I'm willing to sacrifice all to achieve it. My own personality will always be equal to the people I've met. I'm good specially for my friends, family and even for those who betrays me. That's all. Thank you"

Kaunti lang yung pumalakpak nang matapos sagutin ni Angel ang tanong niya. And I think, mostly galing lang sa school niya. Kawawa naman. Ang sarap ipakain sa kanya yung sagot niya ah. Kapal ng mukha!

Kabadong-kabado na ako ng malapit na si Yvonne. Sht. Bakit ako kinakabahan? Ni hindi ko na naririnig yung mga sagot ng ibang candidates.

Nang matapos ang ika-apat na candidate, si Yvonne na ang sumunod. Wearing her smile. But there is something wrong with her eyes. Ngayon ko lang napansin.

Medyo pula yung mata niya. Umiyak ba siya? Inaway ba siya ni Angel sa backstage? Pero hindi naman ata umiiyak ng basta-basta si Yvonne eh. Parang may mali.

"Alright, for candidate number 7, here's your question."

"Why did you join this pageant?"

Ngumiti muna siya bago sumagot.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon