Round 29

8.3K 296 62
                                    

Chapter 29

~*~


"Umastang ano?"

Dahan dahan kong naramdaman ang presence niya sa likod ko. Damn. Narinig niya? Akala ko ba nagdisapear to kanina nang asarin ko? Bakit bigla-bigla siyang sisipot na parang kabute?

"Umastang ano, ugly?" Tanong niya ulit.

Hindi ko alam ang sasabihin. Dapat ko bang aminin na may racing ako? Pero hindi pwede.

"Na may pakealam ka raw" sagot ni Charles sa kanya.

"Wag ka raw umasta na may pakealam sa kanya." Dagdag pa niya.

"Tsk. For what reason? Tsk. Of course, wala akong pake sayo." Sabi niya at umalis na while nakasmirk.

Hindi ko alam kung saan galing to. Pero parang may matulis na bagay na biglang natusok sa chest ko. Ang bigat ng pakiramdam ko habang tinitignan ang likod niyang papalayo. Hindi ko alam kung dahil ba dun sa sinabi niyang wala siyang pake sakin. Eh tama naman. Ano nga bang pakealam niya sakin? Psh!

"You heard it right? Wala siyang pake sakin? So walang reason para sabihin mo sa kanya ang racing ko mamaya" sabi ko naman kay Charles at tinalikuran na siya.

Kahit nasa kabilang direksyon ako pupunta, ayoko nang bawiin ang tinatahak ko ngayon. Alam ko kasing nakatingin siya sakin. At ayokong makakita ng awa sa mukha niya. Ayokong kinakaawaan ako.

Pumasok ako sa isang room na walang tao. Naupo ako sa isang silya at nagsimulang maglaro ng clash of clan.

Damn!

Isang araw ko lang hindi nabubuksan to, naattack na ako ng ilang beses!

Punyet*!

Hindi rin ako pahuli no. Psh! Kailangan kong kalimutan yung sinabi niya. Kaya lilibangin ko na muna tong sarili ko. Iinisin ko na muna tong sarili ko sa punyet*ng Coc na to.

Makalipas ang ilang oras, deadbat na ako dahil sa kakalaro ko. Niligpit ko na ang phone ko at tumingin sa paligid.

Ba't medyo madilim na?

Ganun ba ako katagal naglaro?

Inayos ko nalang ang sarili ko at bumalik sa room. Kinuha ko ang bag ko dun at nagpunta na sa parking area.

While nagmamaneho ako, nahagip ng mata ko ang 7eleven kaya tumigil muna ako dun. Bumili lang ako ng slurpee at sumibat na. Pero while pabalik ako sa kotse ko, may nahagip ang mata ko sa kabilang lane ng kalye.

May dalawang taong naglalakad papasok sa isang restaurant at yung babae ay nakapulupot pa ang kamay sa braso ng lalaki. The girl is smiling widely but the boy remains his stoic expression.

Dahil sa nakita ko nabitawan ko ang slurpee na hawak ko at ramdam ko ang pagtalsik nito sa may paa ko. I keep my gaze upon them until they enter the restaurant. Kung titignan dito, para silang magkasintahan. Isang magkasintahan na ang sarap patayin at ipagulong ang ulo sa bukid.

Kumunot ang noo ko at paulit ulit akong lumunok.

Parang may bumara sa lalamunan ko eh.

Seing Richard the gorilla with Angel the kulangot, parang gusto kong pumatay ng hayop. Yung kasing hayop nila.

Bakit sila magkasama?!

Anong meron?!

Tumiim ang bagang ko at nakaisip na naman ako ng kawalang-hiyaan.

Panget Vs. GwapoWhere stories live. Discover now