Round 58

7.1K 217 44
                                    

Chapter 58

AN: Thank you for suggesting guys. ^_^ May napili ako. I hope magustuhan niyong lahat. And because of that, I dedicate this chapter to the chosen one. Charot!

~*~


Yvonne POV

Ayokong maging talunan ulit. Kung may scheme ulit sila sa pagent na 'to, haharapin ko na sila. HIndi na ako iiyak-iyak na parang kawawang nilalang. Dahil kahit kailan, hindi ako kawawang nilalang at kailangan ko ng paraan para mapatunayan sa kanila 'yon. Kaya ipagpapatuloy ko na nga ang pageant. Nag-aral rin ako ng mga possible question at kung paano sasagot na parang matalino. 

At sa araw na to, susukatan ako ng mga gown na susuutin ko sa pageant. Kinakabahan na ako dahil two days nalang bago ang pageant. Si Tita Cess, tumigil na rin sa pagtuturo sa 'kin dahil may kinuha na silang ibang coach since isa siya sa mga judge at para maiwasan na rin ang kung anu-anong issue.

Baka kasi kapag nanalo si ako, magkaroon pa ng issue na bias. Charot! Parang mananalo naman. Pwe!

Matapos nang naudlot na usapan namin ni Richard nung nakaraang araw, pursigido na rin akong umalis pagkatapos ng pageant. Wala na rin naman akong dahilan para manatili. Hindi na ako mag-iisip na kung ano tungkol sa lalaking yun. Baka magdalawang isip na naman akong umalis.

I should put my full attention in the pageant and for myself.

Mawawala rin naman tong sakit. Balang araw, makakahanap rin ako ng taong hindi na ako lolokohin. Yung taong mamahalin ko at sisiguraduhin kong hindi masasayang ang nararamdaman ko dahil ipaglalaban niya rin ako. Charot! Ayoko na maghanap. Close na for good ang puso ko.

Inaayusan na nila ako at nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin.

May pictorial kasi pero sa school lang naman gaganapin.

"Hija...hindi ka ikakasal ah. Wag kang feelingera teh. Photoshoot ang pupuntahan mo. Kaya wag kang lumuha jan. Masisira ang make-up teh" mataray na sabi ng baklang nag-mmake up sa 'kin.

"Naluluha po ako dahil sa paglagay mo ng eye liner. Eh ikaw? Gusto mo sa burol ang punta mo ngayon?" sarcastic naman na sagot ko.

"Wala akong planong bisitahin ang patay na puso ko teh"

Napaangat naman ang tingin ko.

Aba't humugot pa si ateng.

Ngumiti siya sa 'kin ng napakaplastic.

"Wag kang nega! Tignan mo, ang ganda mo na. Mamaya na natin pag-usapan ang puso nating durog at wasak at gutay-gutay at---"

"--tama na. Patay na nga. Dinoble dead mo pa" sabi ko

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

Parang nakakita lang naman ako ng Hollywood celebrity.

Hindi nakakagulat. Charot lang!

Hahawakan ko sana ang mukha ko pero hinampas lang ng bakla ang kamay ko.

"Masisira nga!" Bulyaw niya.

Tinignan ko nalang siya ng masama.

Ang harsh ng baklang to. Tsk! Ang sarap ilampaso ng mukha niyang butas-butas. Hindi naman ata yung puso niya ang nawasak. I think yung mukha niya mismo ang dinurog. Chos lang! Hehehe! Gumanda lang, ang sama ko na sa beking to.

"Tawag ka na dun" tipid na sabi niya.

Lumabas na ako sa office at nagpunta sa baba dahil nakaset na ang camera doon.

Panget Vs. GwapoWhere stories live. Discover now