Round 57

6.1K 190 29
                                    

Chapter 57

~*~

Yvonne POV

Naghihintay pa rin ako sa kanila na lumabas sa club. Ang tagal eh. Aabutin kami ng bandila nito.

Nang tuluyan na akong mairita, lumabas na ako ng sasakyan at tatawid na sana ng daan nang may biglang humila sakin pabalik.

Kabadong kabado ako kung sino ang hinayupak na to. Amoy na amoy ko ang alak sa buong katawan niya. Sht. Ang baho. Nakakasuka. Kung sinong demonyo to, baka gusto na nitong makipagmeet kay satanas eh.

"Wag kang gagalaw. Hold up to. Bigay mo sa 'kin puso mo"

Napatingin ako agad sa taong humila sakin and only to find out, si Gor--Richard pala to.

Ang pula pula ng mukha niya. Lasing na lasing talaga. Pero kahit lasing, ang cute niya pa rin. Tangina Yvonne! Sasakalin ko talaga ang sarili ko mamaya.

Sht. Nakita niya ako. Pero may nakalagay naman sa mukha ko. Ano nga tawag nito? Face peel mask? Ewan. Basta yun.

Siguro naman hindi niya ako makikilala. Saka lasing pa siya. Siguradong hindi niya ako maaalala--

"Kate? Babyyyyy...I miss you..." tas bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sheyte! Hindi ako makahinga.

"Sabi ko na nga ba eh. Likod palang alam ko ng ikaw. Hindi mo ko matiis no? Miss mo na rin ako no?" sabi niya at kumalas na.

Napanganga lang ako sa Richard na nasa harapan ko.

Siya nga talaga yung kausap ko kanina.

Hindi ko sinasadya na sagutin ng ganun kabilis ang call niya. Sadyang nagsswipe lang ako ng photos nun, nang bigla siyang tumawag at aksidente kong masagot.

"Kate...bakit ayaw mo magsalita? Galit ka ba sakin? Wag kang mag-alala, hug nalang kita.." niyakap na naman niya ako ulit pero kumalas na ako this time.

"Galit ka nga...teka nga! Nasaan yung kotse natin baby?"

Hindi ako nagsalita at sinasamaan ko lang siya ng tingin kahit walang silbi dahil hindi naman niya mapapansin.

Tinignan ko rin yung kotse at nanlaki ang mata ko ng makitang wala ng nakapark na kotse. Asan yun?! Lumipad ng hindi ko namamalayan?! Lumapit ako kung saan ito nakapark at hinawakan dahil baka nanaginip lang ako o baka nalasing rin ako o baka naging invisible yung kotse. Oh myghad!

"Waahh! Asan yung kotse?!" bulyaw ko.

"Baby...calm down. Pwede naman natin lakarin bahay eh..." ngumiti siya hanggang tenga.

Pakshet! Wag mong sabihing pakana to ni Charles?! Err! Lagot ka sakin Charles!

"Nakita mo sina Charles?!" bulyaw ko.

Tumango siya ng nakapout pa.

"Si Charles na naman baby? Ako kasama mo pero si Charles nasa isip mo" parang batang sabi niya.

Pero hindi ko siya pinansin. Yung problema ko ngayon ay kung paano ako makakauwi ng ligtas. Bwisit! Mga magnanakaw ng kotse!

"Sabi na nga ba.. kotse ko pa talaga tinangay nila. Tsk" Hindi ako makapaniwala.

Nabigla ako nang may humawak sa kamay ko.

"Baby, halika na? Uwi na tayo." hindi na ako nakaangal nung hinila na niya ako.

"Baby, masakit ba paa mo? Gusto mong buhatin kita?"

"Hindi" tipid na sagot ko.

"Baby naman...wag ka ng masungit.." para siyang nagpapatahan ng bata. Psh! Ang kulit!

Panget Vs. GwapoWhere stories live. Discover now