Chapter 46 *One and only*

576K 14K 3.1K
                                    

A/N

Eto na!! Nakapag-update narin po ako sa wakas! Pasensya na po kung natagalan. Nag focus po kasi ako lately sa pag edit ng manuscript. Pero eto na talaga! May readers pa ba ako? Wahahahaha. Enjoy reading! :)

***

Chapter 46

*One and only*

 

 

[Dionne’s POV]

“Ang ganda rito!” sabi ko kay Japoy pagkatigil na pagkatigil ng sinakyan naming bangka dito sa isang isla sa Palawan. “Tara na Japoy, baba na tayo!”

“Hey, careful!” saway saakin ni Japoy nung pababa na ako. Umuna saakin si Japoy ng baba atsaka niya ako inalalayan.

Nung makababa ako ng Bangka, biglang umalon ng malakas kaya muntikan na ako ma-out of balance. Buti na lang, nahawakan ni Japoy ang bewang ko at hinatak niya ako palapit sa kanya kaya naman napayakap ako dito.

“Sabihin mo lang kung gusto mong maka-chansing saakin, pag bibigyan naman kita. Hindi mo kailangan magpa-alon, baka masaktan ka pa,” nakangisi niyang sabi saakin.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Japoy, “talaga? Pwede akong mananching sayo?”

“Oo nga sabi. I’m giving you all the privilege! Swerte mo mahal kita at ikaw lang talaga ang papayagan kong mananching saakin!”

Nag pout ako kay Japoy, “hindi rin totoo ‘yun! Sa dami ng romantic movie na nagawa mo, ilang babae na ba ang naka-kissing scene mo?” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “may bed scene pa nga kayo ni Venus,” bulong ko.

Biglang lumawak ang ngiti ni Japoy at nagulat ako ng bigla na lang niya akong buhatin. “O-oy Japoy b’at mo ‘ko binubuhat ha?! T-teka!”

“Edi para mas lamang ka na sa mga naka love team ko, gawa na rin tayo ng bed scene!” Nag lean forward saakin si Japoy atsaka ako binulungan, “pero yung bed scene natin, tunay.”

Bigla naman nag tindigan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Shaks! Ready na ba ako sa gusto ni Japoy?! Teka parang nung isang araw lang naging kami tapos sex agad? Ang bilis naman nang progress namin! Kahit gaano ko siya ka-mahal, hindi ko pa ata kaya ito!

“J-japoy, joke lang! Okay lang kahit mas lamang ‘yung mga naka love team mo saakin! Hindi ko pa talaga kayang makipag sex!” namumula-mula ‘kong sabi sa kanya habang buhat buhat niya ako pabalik ng bangka.

Bigla naman huminto si Japoy at tinignan ako tsaka tinawanan. “Hahahahahhahaha! Napaka epic ng mukha mo Dionne! Hahahahahahha pulang pula ka oh!” tawang tawang sabi niya habang buhat buhat parin niya ako but this time, sa dalampasigan na ang punta namin. Nung nasa sea shore na kami, ibinaba na niya ako.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon