Chapter 21

5.9K 124 9
                                    

CHAPTER 21 - School Fest Part I

Jaehee’s POV

Thursday ngayon at andito na ako sa school. Yun nga lang, walang klase kami may meeting ang bawat dorms para sa preparation sa School Fest. Nandito kami ngayon sa common room ng Dorm 2. Maganda rin naman pala itong dorm 2 eh. May kwarto rin ako dito, kung sakaling gusto kong matulog dito, pwede.

“Kumpleto na ba tayo?” tanong ni Seungri, dorm leader namin.

Tumingin ako sa paligid, nasa sulok lang si Kang Taejoon. Speaking of Taejoon, hindi niya ako kinakausap. Ha! Buti naman, akala ko mangungulit na naman eh. Pero ewan, parang nakakaramdam ako ng…

Regret? Parang gusto ko siyang kausapin na hindi. Ah ewan!

“Sorry, I’m late!” sabi ng isa pang estudyan—si Eungyeol!

“Sige, find your seat.” Sabi naman ni Seungri.

Tumabi naman agad sa akin si Eungyeol. “Dorm 2 ka pala?” bulong ko sa kanya.

“Oo.” Tapos ngumiti siya. Ang cute talaga ng bestfriend ko >W< Pinisil ko ang cheeks niya. Hihi.

“Pwede na ba tayong magsimula?” sabi ni Seungri.

“Oo!” sabay-sabay naming sabi.

“Alam niyo naman siguro ang mga nangyayari yearly diba?”

Well, ako at si Eungyeol, walang idea dito. Kaya nakikinig lang kami.

“3-day event ang School Fest natin. Magsisimula iyon bukas at matatapos sa Linggo. Hindi mawawala diyan ang mga sports competition, sing and dance competitions, arts contests, marathon at ang inaabangang Mr. and Miss Genie!” pagpapatuloy ni Seungri. “Pero ang Mr. and Miss Genie natin ang pinaka-naiibang pageant sa balat ng lupa.”

Tapos nagtawanan naman lahat.

“KAILANGAN NATING MANALO!” biglang sigaw ni Seungri.

“Pero sinong ipanlalaban natin sa Mr. and Miss Genie?” tanong ni Victoria.

Nag-smirk si Seungri… at… at… tumingin sa akin?

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon