Chapter 16

6.9K 142 11
                                    

CHAPTER 16 - First Day

Taejoon's POV

♫♫♫♫♫ "She calls me baby~ Then she ignores me..." ♫♫♫♫♫

Anak ng tinapa! Pinalitan nila Kibum hyung yung ringtone ng phone ko. Ginawa nilang JAEHEE (Jenny by The Click Five).

Dahan-dahan akong umikot baka mahulog ako, kung naaalala niyo pa, sa sofa ako natutulog at si Jaehee naman doon sa King-sized bed. Inabot ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"HYUUUUUUUUUUNG!!!!!!!!!!!!!" inilayo ko sa tenga ko yung phone ko. Ang ingay, nakakabasag ng eardrums. Taemin talga, parang nakainom ng isang boteng Enervon, as usual.

"Hi Taejoon! NASAAN KA NAAAAAAA!" boses ni Kibum hyung yun ah.

"Nasa bahay pa."

"Paki-check ang relo niyo." sagot ni Jonghyun hyung sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang wall clock...

"7:04.." casual kong sagot.

"..."

"7:04?!!!!!!!!!!!!!!!!!! LECHE MALELATE AKO. BYE NA!" At in-end ko na yung call. Napatingin ako sa kama, wala na si Jaehee doon. Baka pumasok na siya at iniwan na ako. Nagmamadali akong lumabas at saktong papasok si Jaehee sa kwarto.

"Buti nagising ka na.." kalmadong sabi niya at nakatingin lang ako sa kanya, naka-school uniform na siya. Ang cute *O*

"DALIAN MO NA DAHIL MALELATE NA TAYO!" biglang sigaw niya. Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Wala pa atang 5 minutes, lumabas na agad ako. Gulo-gulo pa nga yung uniform ko eh. Kumuha lang ako ng isang piraso ng tinapay saka ko kinuha ang bag ko at ang susi ng kotse.

Sumakay naman si Jaehee. "Bakit ba hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa daan.

"Sinubukan ko. Ang hirap mong gisingin." sagot niya.

Mabilis naman kaming nakarating sa school, ipinark ko ang kotse sa parking area at saka nagmamadaling lumabas. Halos wala nang tao sa labas, nasa kanya-kanya na siguro silang classrooms. Kinuha ko ang mga bags namin, syempre gentleman pa rin ako kahit nagmamadali.

"Ano ba naman tong bag mo, Jaehee! Bato ba laman neto?" ang bigat eh.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon