Chapter 9

7.5K 159 7
                                    

Naisipan kong isama ang SHINee sa story. Wala lang... Real names nalang nila gagamitin ko para hindi nakakalito. F(x) din, soon.

-----

CHAPTER 9 - Apat na Baliw

Taejoon's POV

Pagdilat ng mata ko, nasa kwarto na ako bahay. Nakabihis na din ako, hindi na ako naka-suit. Teka, ano bang nangyari kagabi? Bigla nalang sumakit ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon ng kama at lumabas. Nadatnan ko si Mommy sa may garden, nagtritrim ng mga halaman.

"Gising ka na pala." sabi niya.

"Teka, Ma. Ano pong nangyari kagabi?" tanong ko.

"Hindi mo naaalala? Ikaw talagang bata ka, bakit kasi uminom ka ng alak? Alam mo naman ang nangyayari sa iyo kapag umiinom ka ng alcoholic drinks diba?"

"Si Tito Minwoo po kasi eh..." mahinang sagot ko. So ayun pala ang nangyari. Uminom nga pala ako ng alak kagabi. "...pero isang baso lang naman po yun. Tapos last dinner natin sa Byeokjae, uminom ako ng wine, wala namang nangyari eh."

"Taejoon talaga. Mababa ang alcohol content ng wine!"

Hindi na ako sumagot. Pumunta na ako sa loob at nagbreakfast. Sino naman kaya...

Sinong nahalikan ko?

***

Dahil wala akong magawa, tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Ito yung mga taong siguradong mapagkakatiwalaan ko, Magkakaibigan na kami ng mga ito mula unang apak ko sa school.

Nakipagkita ako sa kanila sa pinakamalapit na Starbucks. Dahil bawal ang alak sa akin! Baka mahalikan ko pa si Taemin! Hahaha.

"Bro, grabe. Ikaw na nga yung nagyaya, ikaw pa yung late. Hiyang-hiya naman kami noh?" bati sa akin ni Kibum hyung. Tumawa lang ako. At umupo ako sa upuang bakante sa tabi ni Jinki at Jonghyun hyung.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ko sabay sipsip sa Iced Cafe Mocha na nasa harap ko. "Sino nanlibre?" Dagdag ko.

"Hoy hyung, utang yan! Sa sobrang tagal mo, umorder na kami. Syempre, bilang mabubuting kaibigan, inorderan ka na rin namin pero bayaran mo yan! Ako nagbayad!" sabi ni Taemin.

Nakaka-miss din itong mga baliw na ito eh. Nakakatuwa na kumpleto ulit kami ngayon.

"Ano bang meron bakit nagpa-emergency meeting ka?" tanong ni Kibum hyung.

Ibinababa ko sa table yung drink ko at huminga ng malalim.

"May mission ako..."

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon