Chapter 10

7.3K 157 5
                                    

CHAPTER 10 - Genie High School

Taejoon's POV

Habang nagjojogging ako, iniisip ko yung mga words of wisdom nung apat na baliw kong mga kaibigan kahapon. Pero tama sila eh. Masasaktan ko na naman si Jaehee. Nasaktan ko na siya minsan, grabe naman kung ngayon ulit, masaktan ko na naman siya diba? Martir na siya nun.

Ugh! Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko na alam. At bakit ba hindi ko rin nasagot yung tanong kung mahal ko pa ba si Jaehee? May nararamdaman pa ba ako pero di ko lang maamin sa sarili ko kasi iniwan ko siya dati at pinili ko ang pangarap ko? Ang gulo naman ng sitwasyon ko. Alam niyo ba yun. Yung feeling na naka-arranged marriage ako. Diba sa ibang wattpad stories, ayaw nila ng arranged marriage pero in the end, naiinlove din naman yung characters sa isa't-isa? Baka naman mainlove ulit kami ni Jaehee sa isa't-isa pag nakasal na kami.

Feeling ko, ako lang ang naka-arranged marriage na gumagawa pa ng paraan para masigurong matuloy ang kasal. Ang dami kasing nakasalalay sa kasal namin =___= Puro problema.

Umuwi ako sa bahay after magjogging at saktong iniabot sa akin ni Mom ang isang papel. Enrolment form.

"Sabay na kayo magpaenrol ni Jaehee." sabi niya pagka-abot ng form.

GENIE HIGH SCHOOL

Sports school to ah. Dito rin si Jaehee? (A/N: sa TTBY, boy school ang Genie High, pero dito, pwede rin for girls XD) Sa bagay, athletics ang sports niya.

"Sunduin mo siya sa bahay nila ha. Ngayon na." dagdag ni Mommy.

"Sige po."

***

Nagdoorbell ako sa gate nila Jaehee at lumabas ang katulong nila para buksan ito. Pumasok ako at umupo na naman sa sofa para hintayin si Jaehee. Hindi naman na siguro niya ako susungitan noh? Iniwasan ko kaya siya noong party.

Maya-maya ay bumaba na ito...

"T-Taejoon... Nandito ka na pala. Ano, t-tara na?" sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Tapos nauutal pa. Anong nangyari?

"Okay na ba yung form mo?" tanong ko.

"Oo." sagot niya habang nakatingin sa sapatos niya.

"Sige, tara na." Sumakay kami sa kotse ko at nagpunta sa Genie High. Tahimik lang kami pareho. Walang kumikibo. Ang tanging bumabasag ng katahimikan ay ang tunog ng radyo.

Pakiramdam ko may mali...

Pagdating namin sa school, agad akong nagparking at bumaba ng kotse para pagbuksan ng pinto si Jaehee, syempre gentleman! Pero bago pa man ako makapunta sa kabilang side, nakababa na siya. =_=

Nagpunta kami sa registrar pero tahimik pa rin at walang kibuan. Ni hindi nga siya makatingin sa akin. Kinakausap ko siya, pero matitipid ang sagot niya, "oo" o di kaya "hindi" at "ewan" lagi. Mabilis namang na-process yung enrolment namin kasi iilan lang ang nageenrol sa school na ito. Kung hindi mayayaman, mga talagang athletes ng bansa.

Naglakad na kami pabalik sa parking lot nang may marinig kaming....

*tsup tsup tsup* (sound effects ng naghahalikan)

Sabay kaming napatingin sa bench na nasa gilid ng puno at doon namin nakita ang couple na gumagawa ng milagro. O.O Nakita kong namula si Jaehee at naglakad siya ng mabilis. Kaya naman biglang sumagi sa utak ko ang nangyari sa gabi ng party. Hindi kaya....

Agad kong hinabol si Jaehee.

"Alam ko, awkward itong itatanong ko pero... ikaw ba?" sabi ko.

"Ako? Ako ang a-alin?" halos di niya ako matingnan ng diretso sa mata.

"Nung party, nakainom ako ng alcoholic drink... Uhm, by any chance, i-ikaw ba ang...

...nahalikan ko accidentally?"

Huminga siya ng malalim at pumikit. "Ikaw na ang nagsabi, ACCIDENTALLY diba? Kaya wag na nating isipin yun, kalimutan nalang natin."

So, siya nga. Naku buti nalang. Baka hindi ko makaya kung malaman kong kung sino lang na tao ang nahalikan ko XD

"Dibale Jaehee, sanay ka naman na diba?" at ngumiti ako.

Namula na naman siya at hindi agad nakasagot. "A-no bang sinasabi mo Kang Taejoon. Leche ka! Ihatid mo na nga ako." Ang cute niya. Hahaha.

"Okay." Tapos nginitian ko na naman siya.

Pakiramdam ko, magandang simula ng mission ko ang accidental kiss. Thank you, sa pagbigay ng alak sa akin Tito Minwoo.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon