Chapter 32

5.9K 140 22
                                    

CHAPTER 32 - Tumalon Ako

"Hi Taejoon!" Ito na naman kami ni Jaehee, magka-Skype na naman. Kakauwi ko lang sa bahay kasi inihatid ko si Coach Johnny sa tutuluyan niyang hotel. Hindi ko talaga ineexpect na ang isang sobrang sikat na coach na tulad niya ay pupunta pa talaga dito sa Korea para lang i-train ako.

"Jaehee, bakit nandito si Coach Johnny?" seryoso kong tanong. Bigla din namang sumeryoso ang mukha niya.

"A-ahh... Kasi Taejoon, alam kong makakatulong siya sa iyo. Hindi mo ba nagustuhan? Hindi ka ba natuwa na may new coach ka na? Diba sabi mo parang itinakwil ka na ng coach mo... Kaya ayan, kinulit ko si Kuya Johnny para puntahan ka diyan at--"

"Hindi mo ba naisip na baka busy yung tao? Next year na yung World Junior Championship. Busy yun sa paghahanda!" napahilamos ako sa mukha ko. Nahihiya kasi talaga ako kay Coach Johnny. Hindi naman ako ganun ka-importante para puntahan pa talaga dito sa Korea samantalang naka-base na siya sa US.

"Yun nga eh. Tinulungan ko na nga rin siya eh. Kailangan niya rin ng athlete niya na ilalaban sa WJC. Tapos qualified ka, kaya sinabi ko na ikaw nalang pero kailangan mo ng tulong niya sa Yips Syndrome mo..." Napayuko siya. "Hindi mo ba gusto yung ginawa ko? Galita ka ba, Taejoon? Akala ko matutuwa ka kapag nagkaroon ka na nag new Coach. Ayan pa naman sana yung birthday gift ko..." Tapos parang naiiyak na siya.

OH FUDGE! NATATARANTA NA AKO. "H-hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang kasi ako. At nahihiya dahil hindi naman ako ganun kagali--"

"Magaling ka kayaaaaaaaa!" Sigaw niya. "Nanalo ka last year. Ikaw ang title holder ng World Junior Championship 2011! Di mo magagawa yun kung di ka magaling."

"Sige na nga..." sagot ko.

"Galit ka pa ba?" sabi niya sabay pout. Leche talaga tong babaeng ito. Namumula pa yung cheeks niya at ang labi, mukhang masarap halikan mahit nasa monitor ko lang siya. Kainis naman.

"Hindi. Hindi ako galit. Ano ka ba." sabi ko. Bigla nalang siyang tumayo at bumalik na hawak ang phone niya. May kausap siya kaso di ko na masyadong maintindihan dahil medyo malayo siya sa mic ng laptop niya. Ilang sandali ay kinausap niya ulit ako.

"Sorry, tumawag si Kuya Daniel." sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa phone niya. Teka, parang familiar yung case niya.

"Yan ba yung case na bigay ko sayo noon?" tanong ko.

"Huh?" Tapos iniharap niya sa cam yung phone niya. "Oo, ito nga." Masayang sabi niya. Grabe, itinago pala niya talaga. Akala ko itinapon niya yun noon dahil sa sobrang kabwisitan sa akin. Ayan, kahit papaano naman pala may couple thing kami. Couple iPhone cases. Pwede na. :D

Nakangisi lang ako sa camera. Ewan ko, alam ko na simpleng bagay lang yun pero hindi ko mapigilang matuwa ng sobra. Ibig sabihin, kahit galit siya sa akin noon, pinapahalagahan niya pa rin yung bigay ko.

"Bat nakatawa ka lang diyan, ha?" sabi niya.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon