Chapter 34

5.9K 130 21
                                    

CHAPTER 34 – Out of Reach

“OMG. Malapit na ang competition mo, TJ!” nagtatatalon na lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Lalong lalo na sina Taemin at Krystal na lalong nagiging close at parehong isip bata. Kakalabas ko lang ng gym at katatapos lang ng puspusan at pinakahuling training namin ni Coach Johnny.

Tama sila, malapit na ang competition ko. Isang buwan nalang. Excited ako sa competition ko, pero mas excited ako sa muling pagkikita naming ni Jaehee.

8 months na rin ang nakalipas mula noong pumunta dito ang Kuya Daniel ni Jaehee. February 2014 na ngayon! 1 year and 2 months na kami ni Jaehee. Imagine-in niyo yun! 1 year and 2 months! Hindi kami nagkikita sa loob ng 1 year and 2 months na iyon kundi sa Skype lang. Mahaba na yung buhok niya. Hanggang balikat na.

“Malapit na rin kayong magkita ulit ni Jaehee.” Nakangising sabi ni Eungyeol.

“Oo nga. Miss na miss ko na siya.” Sabi ko.

“KAMI DIN NOH!” sabi nilang lahat.

“Gusto niyo bang sumama sa America pag competition ko? Tapos makikita rin natin si Jaehee doon!” sabi ko. Natahimik naman sila at nagtinginan lang.

“A-ahh... Kasi, Taejoon. Nakakahiya naman. Tsaka mahal ang ticket. At isa pa, may pasok kami.” Sabi ni Jinki.

“O-oo nga. Papanoorin ka naming sa TV! Wag kang mag-alala.” Dagdag naman ni Kibum.

Kumunot ang noo ko. Anong problema ng mga ito? Pero may point sila. Isa pa, hassle rin naman kung sasama silang lahat sa akin sa America.

“S-sige.” Sabi ko.

Kinabukasan, inihatid na namin ng barkada si Coach Johnny sa airport. Kailangan na rin kasi niyang bumalik sa America. Isang buwan nalang at WJC na diba? Organizer pa naman siya tapos wala siya doon. Pero syempre, dahil big event iyon, matagal nang naka-set ang lahat. Maraming galamay si Coach Johnny. Kahit nandito siya, nagawa niyang maayos ang lahat.

“Maraming-maraming salamat, Coach.” Sabi ko. “Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na talagang pinuntahan mo pa ako dito para i-train. Sobrang salamat po talaga... Kung hindi po dahil sa inyo baka hindi ko po napag-igihan pa lalo ang high jump.”

Ngumiti so Coach. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Ikaw ang athlete ko sa WJC.”

“Pero kahit na, Coach... Salamat pa rin.”

“Osige na. Mauuna na ako. Magkita nalang tayo sa America next month.” Sabi niya.

“Sige po, Coach.”

“Alam ko naman na ikaw na ang mananalo doon.” Sabi niya.

“Syempre, kayo Coach ko eh! Coach Johnny Lee!” sabi ko naman.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon